Tari

Lalaki kinadyot ng karit kritikal

March 12, 2024 Gil Aman 123 views

KRITIKAL ang 20-anyos na obrero dahil sa saksak ng karit ng kasalubong na lasing na suspek noong Linggo sa Brgy. Lawa, Calamba City, Laguna.

Sa ulat ni PLt.Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba police, kinilala ang biktima na si Apollo Manaig.

Nasaksak ang biktima sa kaliwang tagiliran, dibdib, braso at iba pang parte ng katawan at kasalukuyang ginagamot sa Calamba Medical Center (CMC).

Ayon sa imbestigasyon ni PMaj. Jamesson Aguilar, Chief Investigator at Deputy chief of Police ng Calamba, dakong alas-11:00 ng gabi sa Purok 3, Brgy. Lawa nasalubong ng biktima ang itinuturong suspek na si Alyas Luis, 21.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo Ng pananaksak at kung may dati ng alitang ang suspek at biktima.

Lasing ang suspek at basta na lang inundayan ng saksak ang biktima.

Pauwi na ang biktima kasama ang dalawang kaibigan na sina Alyas Jomari at Jhon ng saksakin.

Inaresto ang suspek at dinala sa Calamba City police at mahaharap sa kasong frustrated homicide.

AUTHOR PROFILE