Kambing Source: DA-SAAD file photo

2 nagnakaw ng kambing, binebenta ng P7K, timbog

March 12, 2024 Steve A. Gosuico 95 views

SAN JOSE City–Dalawang lalaki ang nahuli habang nagtatangkang ibenta ang ninakaw na kambing sa halagang P7,000 noong Lunes.

Nabuking na ibebenta na ang ninenok na kaming ng magsumbong ang magsasakang may-ari ng hayop sa mga pulis na nawawala ang kanyang kambing dakong alas-11:30 ng umaga.

Nahuli ang dalawang suspek, na may edad 26-anyos at 33-anyos matapos sumugod sa police station ang 55-anyos na lalaki at nagsumbong na may dalawang lalaki na nag-aalok sa kanya ng buhay na kambing sa halagang P7,000.

Dahil may lead na, nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang suspek at pag-recover ng ninakaw na kambing kabilang ang Kawasaki Bajaj tricycle ng mga suspek na ginamit sa krimen.

Kasong theft ang isinampa laban sa dalawang arestadong suspek.

AUTHOR PROFILE