Lacuna Ang Asenso Manileño ng 5th district nina Mayor-elect Honey Lacuna at Vice Mayor-elect Yul Servo Nieto kasama sina 5th Dist. Cong. Irwin Tieng at mga konsehal na sina Laris Borromeo, Boy Isip, Mon Yupangco, Charry Ortega, Atty. Jaybee Hizon, at Bobby Espiritu (inset photo) matapos na manalo sa nakalipas na halalan. Kuha ni Jon-jon Reyes

Lacuna-Servo suportado ng Manila 5th District

May 14, 2022 Jonjon Reyes 521 views

KAMAKAILAN ay nagsagawa ng isang motorcade sa Lungsod ng Maynila sina Manila Mayor-elect Honey Lacuna at Vice Mayor-elect Yul Servo bilang pasasalamat sa mga Manileño sa ipinakitang suporta nitong nakaraang halalan.

Nagpakita rin ng buong suporta at mainit na pagtanggap ang mga taga-distrito singko (fifth district) sa nasabing Lacuna-Servo thanksgiving motorcade sa pamumuno ng bagong halal na si 5th District Congressman Irwin Tieng kasama ang kanyang mga tagasuporta at mga bagong halal na konsehal.

Kabilang sina Laris Borromeo, Boy Isip, Mon Yupangco, Charry Ortega, Atty. Jaybee Hizon, at Bobby Espiritu ay nabigyan ng mandato bilang mga konsehal sa ilalim ng partidong Asenso Manileño.

Ayon kay Tieng at mga kasamang konsehal, buo ang kanilang suporta sa tambalang Lacuna at Servo, maging sa mga programa na ilalatag sa Lungsod ng Maynila para sa mga Manileño at kanila itong susuportahan dahil sa paniniwala sa kakayahan at serbisyo ng bagong alkalde at bise alkalde.

Kabilang din sa mga programa ni Cong. Tieng para sa distrito singko ay trabaho, infrastructure, mga bagong kalsada, streetlights, drainage upgrade, bagong Barangay Halls na may apat na palapag at bagong pasilidad, mga bagong Police at Fire Stations, skills training, mga ambulansiya at police mobile, mga barangay patrol vehicles (L-300), bagong firetrucks, mga single radio frequency para sa 5th district, bagong kagamitan at training para sa mga opisyal ng barangay at tanod.

Nanawagan si Tieng sa kapwa niyang taga-distrito singko na samahan siya na itaguyod ang bagong distrito na “mabilis kumilos, at malapit sa tao ang serbisyo.” Ni Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE