Preso dedo sa QC jail riot

May 13, 2022 Melnie Ragasa-limena 67 views

PATAY ang isang preso habang pito naman ang sugatan nang sumiklab ang riot sa Quezon City Jail Male Dormitory nitong Biyernes ng hapon.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PEMS Jimmy Sanyuran ng Quezon Ciry Kamuning Police Station 10, pasado 3 p.m. (May 13) nang magsimula ang gulo sa nabanggit na piitan na matatagpuan sa Bernardo Compound Brgy Kamuning sa lungsod.

Nagsimula ang riot sa pagitan ng grupong Batang City Jail at Commando sa hindi pa malaman na kadahilanan.

Lumilitaw na ang presong namatay ay nagtamo umano ng tama ng bala sa katawan mula sa sumpak.

Patuloy naman na inaalam ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng namatay at ng mga sugatan sa naturang kaguluhan. Ni MELNIE RAGASA-JIMENA