Kris, sampung buwan pa sa Amerika
Matapos ang halos isang buwan pagkatapos ng huli niyang Instagram post, nitong bisperas ng Kapaskuhan (Dec. 24) ay nagbigay ng update si Kris Aquino sa kanyang IG followers.
Ayon kay Kris ay six months na raw silang mag-iina sa US kaya humingi sila ng extension.
“We’ve been here for more than 6 months. Atty Marlon (recommended to us by the consulate to be our immigration lawyer) filed the necessary paperwork so that we can extend our stay legally. A few days ago we did our biometrics scan… i was warned — you’ll need to wait 2-3 months to get the extension approval,” simula ni Kris.
Sa kabila ng kanyang mga karamdaman na kanyang inisa-isa, patuloy na lumalaban si Kris at nagpasalamat sa lahat ng mga nagdarasal para sa kanya.
“Discussing my 4 diagnosed autoimmune ailments (2 are life threatening) and a highly likely 5th because of my distinct physical manifestations isn’t something i want to do on Christmas Eve — but i have to BECAUSE gusto kong mag THANK YOU sa inyong lahat who still keep me, my sons, and my sisters & their families back home in your prayers,” aniya.
“We may be an ocean apart, BUT it matters so much to know that many of you who don’t even know me or my sons personally, care enough to remember us & want me to win this seemingly endless battle with my autoimmune conditions…,” dagdag pa niya.
Nasabi rin ni Kris na matagal-tagal pa ang gamutan na ginagawa sa kanya sa US at aabutin pa raw ng 10 months.
“May God bless your kind & compassionate hearts… my Christmas wish is makabawi ako sa ginagawa nyong mabuti para sa ‘kin ngayon — my 1st cycle of immunotherapy treatment (same medicine as chemo BUT at a much lower dose given over a longer period of time) will take about 10 months…,” pagbabahagi niya.
“For now idadaan ko na lang po ang pasasalamat ko sa mga pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan sa religious & medical communities,” pagtatapos pa ni Kris.
Hangad namin na sa darating na taon ay maging maganda na ang kanyang kalusugan at makauwi siya ng Pilipinas na magaling na.