Kris hindi pa nagpapa-confine sa UCLA Hospital

April 4, 2024 Aster Amoyo 116 views

Kris1NAIKUWENTO sa amin ni Batangas Vice-Governor na si Mark Leviste na hindi pa umano natutuloy ang pagpapa-confine ni Kris Aquino sa UCLA Hospital pero patuloy pa rin umano ang treatment nito sa kanyang nirerentahang bahay sa Orange County kasama ang bunsong anak na si Bimby, personal nurses at staff ng TV host-actress at entrepreneur.

Bukod sa kanyang eldest sister na si Balsy Cruz, nadalaw na rin si Kris ng isa pa niyang kapatid na si Pinky sa Amerika.

Ang eldest son ni Kris na si Joshua ay nakabalik na ng Pilipinas at madalas itong nagi-stay sa ancestral home ng mga Cojuangco sa Tarlac kung saan ito nagi-enjoy. Halos linggu-linggo ay kasama ni Mark at ng kanyang mga anak si Joshua.

Hindi madali kay VG Mark ang pagkakaroon ng long distance love affair with Kris lalupa’t may iniinda itong kakaibang sakit. Pero dahil mahal niya ito ay kasama umano ito sa sakripisyo na kailangan niyang harapin. He also doesn’t mind flying to Kris’ side in America kung kinakailangan. Mabuti na lamang at merong social media kaya maya’t maya ay namo-monitor niya ang kalagayan ni Kris.

Tanya itinanggi ang tsismis sa kanila ni Dingdong, iba ang naging problema nila ni Mark

TanyaTanya1IN our recent interview with actress Tanya Garcia, personal nitong pinabulaanan na nagkaroon sila ng relasyon noon ng dati niyang ka-loveteam sa bakuran ng GMA na si Dingdong Dantes. Aniya, ang girlfriend noon ni Dingdong ay si Antoinette Taus na kasama nila sa TV series na “Anna Karenina”. Nang mag-migrate sa Amerika ang pamilya ni Antoinette ay saka pumasok sa serye si Tanya na kagagaling pa lamang noon ng ABS-CBN bilang dating member ng Star Circle (now Star Magic) Batch 5 kung saan niya ka-batch sina John Lloyd Cruz, Mark Solis, Kathleen Hermosa, Baron Geisler at iba pa.

Pagkatapos ng “Anna Karenina” ay muling nagsama sina Dingdong at Tanya sa dalawa pang serye ng GMA, ang “Sana ay Ikaw Na Nga” at “Twin Hearts”. Pero aminado ang aktres na naging malapit na magkaibigan sila ni Dingdong na nagpapakilala sa kanya sa mga friends nitong guys para magkaroon umano siya ng boyfriend. Never umanong nagparamdam sa kanya ang mister na ngayon ni Marian Rivera pero nanatili ang kanilang pagkakaibigan hanggang ngayon. Katunayan, ninong si Dingdong ng panganay nina Tanya at mister nitong si Mark Lapid na si Mischa.

Ang talent manager na si Jojo Veloso at ang namayapang entertainment writer na si KC Guerrero ang naka-discover kay Tanya who brought her to the former president ng ABS-CBN na si Freddie Garcia. She was barely 15 years old then. Nang tanungin ni G. Garcia ang apelyido ni Tanya ay sinabi nitong Lyttle kaya ito na ang nag-suggest na gamitin nang screen name ang Tanya Garcia and she was endorsed to Star Circle (now Star Magic) na pinamumunuan pa noon ni Mr. M (Johnny Mahanan).

Tulad ng ibang young talents ABS-CBN, naging bahagi si Tanya sa youth-oriented program ng TV network ang “Gimik”. Naging part din siya sa iba’t ibang series and TV programa ng Kapamilya network at kasama na rito ang “Esperanza” na pinagbidahan ni Judy Ann Santos.

Taong 2000 when she moved to GMA at naging bahagi siya ng “Anna Karenina,” “Sana ay Ikaw Na Nga,” “Twin Hearts” maging ang “Mulawin”. In the middle of “Mulawin” ay nag-quit siya sa programa dahil ang pakiramdam niya noon ay na-burn out siya. Contract star siya noon ng Viva Artists Agency. Nang lumipat ng ABS-CBN ang ibang contract stars ng Viva including Anne Curtis, hindi umano siya sumama at sa halip ay nagpalit siya ng manager at siya’y napunta kay Dondon Monteverde. But this time ay hands-on na umano siya sa mga proyektong kanyang gagawin. May ibinigay umano sa kanyang script ni Dondon na basahin niya na galing kay Sen. Lito Lapid. Ang buong akala ni Tanya ay ang senador ang kanyang makakatrabaho yun pala ay ang anak nitong si Mark Lapid na ilu-launch bilang action star sa pelikulang “Batas Militar” .

While filming the movie “Batas Militar” ay nagkalapit sina Mark at Tanya and a year later ay naging magkasintahan ang dalawa. The couple were already together for four years bago sila nagpakasal in 2010 at sila’y nabiyayaan ng tatlong anak na babae – sina Mischa Amidala ((turning 17), Matilda Anika (13) at si Madeleine Ariana (7). In between the second and the youngest ay dalawang beses nagka-miscarriage si Tanya.

Aminado ang 42-year-old actress na desisyon niya ang pagtigil sa kanyang showbiz career to focus on her role as a wife to Mark and mother to their three lovely daughters. Pero sa kabila nito ay patuloy umano siyang nakakatanggap ng offer kaya every once in a while ay binabalikan niya ang kanyang acting career.

“I’m glad na hindi pa rin nila ako nakakalimutan,” aniya.

Never ding pinagbawalan si Tanya ng kanyang mister na si Mark sa kanyang showbiz career.

“Ako lang talaga ang nag-set ng priority para sa aking pamilya,” patuloy niya.

Bago pa man nagpakasal ang dalawa at ipinagtapat na sa kanya ni Mark na may anak siyang babae sa isang Korean national now 19 years old, two years older sa kanilang panganay na anak. Ang siste, hindi ito alam ng parents ni Tanya kaya nang lumantad ang Korean girl at nagpa-interview ito sa media ay nawindang ang mga ito kaya katakut-takot na paliwanagan ang nangyari. Nalagay din sa balag ng alanganin ang pagsasama ng mag-asawang Mark at Tanya. Mabuti na lamang at hindi sila pareho bumitaw kaya nasalba ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.

“P” ang term of endearment ng mag-asawang Mark at Tanya. P ang tawag ni Tanya kay Mark for Prince at P naman kay Tanya for Princess.

Ayon na rin mismo kay Tanya, very hands-on si Mark bilang husband at father sa kanila ng kanilang tatlong anak. Kahit busy, he also cooks for them. On weekends, they spend their time sa kanilang Porac residence in Pampanga at kapag weekdays naman ay narito sila sa Maynila dahil dito nagsisipag-aral ang kanilang tatlong anak na nakilala na rin ang kanilang half-elder sister (sa father side) na naka-base in Taiwan.

“They’re okey with their elder (half) sibling,” pahayag pa ni Tanya na may bagong movie sa bakuran ng Viva Films, ang “Sunny” na local adaptation ng Korean movie of same title na palabas ngayong April 10 sa mga sinehan nationwide.

A comedy-drama movie, ang nasabing pelikula ay sinulat ni Mel del Rosario at pinamahalaan hi Jalz Zarate. Bukod Kay Tanya, tampok din sa pelikulang “Sunny” sina Vina Morales, Angelu de Leon, Sunshine Dizon, Candy Pangilinan, Katya Santos at Ana Roces habang ang kanilang younger versions ay ginagampanan naman nina Heaven Peralejo, Bea Binene, Astine Olviga, Abby Bautista, Aubrey Caraan, Ashley Diaz at Heart Ryan.

Korean suitor gusto na rin ng ina para sa anak na si Kristel

KoreanKorean1Korean2GUSTO na ng Kapamilya actress na si Kristel Fulgar ang kanyang Korean suitor na si Suhyuk pero hindi pa niya ito tuluyang masagot hangga’t hindi ito nagpapa-convert sa pagiging isang Iglesia ni Cristo (INC) dahil ito ang request sa kanya ng kanyang ina na si Emily Fulgar.

Gustong-gusto na rin ng ina ni Kristel na magkaroon ng sariling lovelife ang anak and eventually magkaroon ng sarili nitong pamilya pero mangyayari lamang ito kapag kapwa INC rin ang matatagpuan nito. Boto rin umano si Emily sa Korean suitor ng anak dahil nakikita nito kung gaano ito kabait at kamahal ang kanyang anak pero kailangan itong sumunod sa kanilang alituntunin bilang miyembro ng INC.

Si Suhyuk ang nag-alaga kay Kristel nang ito’y sumailalim ng rare tumor surgery sa kanyang leg in South Korea. After the surgery ay umuwi ng Pilipinas ang actress-vlogger para dito magpagaling.

Hindi nagtagal ay dumating din sa Pilipinas si Suhyuk para siya’y mabisita at makilala rin ang ina ng actress. Naisama pa ng mag-inang Emily at Kristel si Suhyuk sa kanilang simbahan at pamamasyal.

Kapag in-embrace na ni Suhyuk ang pagiging isang INC member ay doon lamang umano ito sasagutin ni Kristel na nahu-hold back dahil sa kanilang magkaibang religious belief.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and x@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE