SS1 BE OUR GUESTS Si Batangas City Mayor Beverley Dimacuha at Batangas 5th District Representative Marvey Mariño kasama si Vice Mayor Donghyun Baek (left) ng Susueong-gu, South Korea nang bumisita ang huli sa siyudad.

Korean vice mayor bumisita sa Batangas

June 30, 2023 Jojo C. Magsombol 207 views

BATANGAS City–Bumisita ang isang delegasyon mula sa South Korea na pinangunahan ni Suseong-gu Vice Mayor Donghyun Baek ng Susueong-gu, South Korea sa opisina ni Mayor Beverley Dimacuha mula June 27 hanggang 30.

Layunin ng pagbisita na mapalawig ang sister city relationship ng dalawang lungsod na sinimulan noong administrasyon nina dating Batangas City Mayor Eduardo Dimacuha at Suseong-gu Mayor Kim Hyeong Ryeol noong November 2009.

Hangad ng delegasyon na makatulong sa higit na pagpapa-unlad ng turismo at edukasyon ng lungsod sa pamamagitan ng kanilang $3,000 scholarship grant.

Nauna rito, nagkaroon ng presentation sina City Administrator Engr. Sonny Godoy at Secreatary to the Mayor Atty. RD Dimacuha hinggil sa Batangas City at sa mga naging gawain at proyektong itinaguyod sa ilalim ng sister city agreement ng dlawang siyudad.

Ipinasyal din ang grupo sa mga makaysaysayang lugar sa lungsod ang mga panauhin.

Ipinadama naman nina Mayor Dimacuha at Cong. Marvey Mariño ang kanilang mainit na pagtanggap sa mga bisita sa pamamagitan ng isang cultural show ng Likhang Sining Dance Group ng Marian Learning Center & Science High School.

Ipinaabot ni Mayor Dimacuha ang kanyang pasasalamat sa muling pagbisita ng mga opisyal sa lungsod at sa scholarship grant na kaloob ng mga ito.

Nakiisa rin sa okasyon sina Vice Mayor Alyssa Cruz at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod.

Inilarawan ng mga bisita ang Batangas City bilang “wonderful, beautiful at amazing city” dahil anila sa hospitality ng mga Batangueno, ganda ng lungsod at husay ng mga opisyal na naglilingkod dito.

AUTHOR PROFILE