Default Thumbnail

Komunista at dilawan nagsanib pwersa na???

March 16, 2022 Erwin Tulfo 360 views

TulfoUNANG pumutok ang balitang ito sa rally ni Vice President Leni Robredo sa Cavite.

Ani presidential aspirant Sen. Ping lacson, napasok ng mga komunista ang rally ni Leni sa Cavite ilang linggo na ang nakakaraan.

Kaagad namang itinanggi ng kampo ni VP Leni ang paratang kasabay ang sabi na tsismis ang info ni Lacson.

Pero teka, papaano magiging tsismis ang alam ni Sen. Ping gayong taga-Cavite rin siya at maraming koneksyon dahil dati itong hepe ng PNP?

Naturalmente na malawak ang background niya sa intelligence gathering at hindi kwento lang na galing sa mga “Maritess” ang alam niya.

Hindi siguro sapat na sabihin lang ng mga taga-Liberal at mga “Pinklawan” na walang katotohanan at tsismis lang ang nasabing report.

Kailangan maglatag ng pruweba o ebidensya ang mga dilawan na hindi sila nakikipagkutsabahan sa mga komunista.

Sa panayam din kasi sa SNMI TV sa Pangulong Duterte kamakalawa, tila kinumpirma nito na may ugnayan na nga ang mga “dilawan” at mga komunista.

Dagdag ng pangulo, base raw ang kanyang impormasyon sa intelligence community.

Ang intelligence community ay kinabibilangan ng iba’t -ibang grupo tulad ng intelligence service of the Armed Forces of the Philippines, Navy intelligence, Army intelligence, PNP intelligence group, at NBI.

Paliwanag pa ng pangulo, plano ng dilawan at ng mga komunista na dayain ang darating na halalan.

Kaya naman ang PNP nangako na iimbestigahan ang nasabing reports para matiyak na kung may ugnayan nga ba o wala ang mga taga-liberal party at CPP-NPA.

Tingin ng ilan, tiyak na magkakagulo kapag dadayain ang 2022 presidential at local election lalo na pagpapabor ang resulta sa mga dilawan partikular sa presidential at vice presidential race hanggang sa mga senador.

Dagdag pa ng aking impormante mula sa hanay ng afp, magmamasid ang buong pwersa ng sandatahang lakas sa eleksyon.

Bagamat hindi ito makikialam, kikilos na umano ito kung lantaran at garapalan na ang dayaan sa mayo.

Hindi naman ipinaliwanag ng aking source kung anong hakbang ang gagawin ng kasundaluhan kapag nagkaroon ng dayaan.

AUTHOR PROFILE