Default Thumbnail

Koleksiyon ng BoC, mahigit P412-B na!

September 5, 2021 Vic Reyes 415 views

Vic ReyesHINDI naging hadlang ang imposition ng ECQ sa Metro Manila noong nakaraang buwan para malampasan ng BoC ang kanilang collection target noong Agosto.

Hindi na ito nakapagtataka dahil determinado ang mga taga-BoC na maabot ang kanilang 202l tax take.

Ang assigned tax take ng ahensya sa taong ito ay P6l6.7 bilyon.

Noong nakaraang buwan ng Agosto ay umabot ng P54.05 bilyon ang koleksyon ng BoC.

Ang koleksyon ay mas malaki sa target collection nitong P53.06 bilyon.

Mula Enero hanggang Agosto 202l ay umabot na ng P4l2.96 bilyon ang koleksyon ng BoC.

Ang ibig sabihin nito ay kailangan na lang kumolekta ng P203.79 bilyon sa nalalabing apat na buwan ng taon para maabot ang 202l P6l6.75 bilyong collection target ng ahensiya.

Sa tingin ng mga taga-BoC ay kayang-kayang makamit ng ahensya ang koleksyong ito, lalo na’t nagdaratingan na ang mga tinatawag na Christmas goods.

Malamang nanginginig na sa inggit at galit ang mga kritiko ni BoC Chief Rey Leonardo ”Jagger” Guerrero, dahil siguradong palakpak ang sasalubong sa mga taga-BoC pagpasok ng 2022 sa

kanilang ”job well done.”

Tama ba, Ascom Jett Maronilla?

***

Mahigit siyam na buwan na lang at matatapos na ang termino ni Pangulong Duterte.

Nandiyan pa rin ang mga problema sa iligal na droga, korapsyon, kriminalidad, kahirapan at kawalan ng trabaho.

Isa pa, naging malaking problema ang pagdating ng COVID-l9.

Naubos ang pera ni Juan dela Cruz sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya.

Kagaya sa ibang bansa, bumagsak ang ating ekonomiya dahil sa mga quarantine restriction.

Mabuti na lang tuloy-tuloy ang programang “Build, Build, Build.”

Ang programang ito ay naglalayong i-develop ang kanayunan at i-decongest ang Metro Manila at ibang malalaking syudad.

Maraming infrastructure projects ang ginawa at ginagawa pa ng administrasyon para ma-realize ang mga programa ng gobyerno.

Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways ang “Build, Build, Build” program.

Sa tingin naman ng marami ay naging maayos ang pamamahala ni DPWH Secretary Mark Villar at walang bahid ng katiwalian.

Hindi kagaya ng inaabot na batikos ngayon ng Department of Health

***

Sa isang Lunes, September l3, ay magbubukas na ang schoolyear 202l-2022.

Malaking hamon sa gobyerno ang pagbubukas ng mga klase sa kabila ng patuloy na pagdami ng mga nagkakasakit ng COVID-l9.

Dahil wala pang face-to-face classes, marami ang nagsasabing kakaunti ang matututunan ng mga bata.

Wala tayong magagawa diyan, hindi naman puwedeng ipagsapalaran ang buhay ng mga estudyante at guro natin.

Makapaghihintay ang edukasyon pero ang buhay ay hindi puwedeng isugal.

Kapag namatay ang tao ay hindi na babalik. Walang tinatawag na second chance dito.

Kaya dapat siguraduhin ng gobyerno ang kaligtasan ng lahat sa pagbubukas ng klase sa isang Lunes.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #(0969) 037 7083/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE