Kimxian

Kim at Xian ayaw pa ring pakasal

August 23, 2021 Aster Amoyo 847 views

Kimxian1TAONG 2011 nang mabuo ang tambalan ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim sa pamamagitan ng hit romantic-comedy series na “My Binondo Girl” ng ABS-CBN. At that time ay hiwalay na si Kim sa dati nitong ka-loveteam at boyfriend na si Gerald Anderson. Dahil sa tagumpay ng “My Binondo Girl” ay muling nagsama ang dalawa sa isa pang hit TV drama series na “Ina, Anak, Kapatid’ na sinundan ng pagsasama nila sa pelikula tulad ng “Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo,” “Bride for Rent,” “Past Tense,” and “All You Need is Pag-ibig”.

Although matagal bago nila inamin sa publiko ang kanilang relasyon, maituturing na smooth sailing ang takbo ng kanilang pagiging magkasintahan hanggang ngayon. Pero wala pa umano sa immediate plans ng couple ang mag-settle down kahit pareho na silang nasa tamang edad dahil umano sa pagiging busy sa kanilang respective careers at may mga gusto pa silang matupad bago magpaalam sa pagiging single. Ano kaya ‘yun?

Kim is 31 at 32 naman si Xian.

Although pareho silang nasa pangangalaga dati ng Star Magic ng ABS-CBN, nagdesisyon si Xian na lumipat ng Viva nang mag-expire ang kanyang management contract in 2017 habang nanatili naman sa Star Magic si Kim hanggang ngayon.

Nasa bakuran pa siya noon ng Star Magic nang magkaroon si Xian ng tatlong album under Star Music, ang “So It’s You” na naging platinum album na sinundan ng “XL 2” at “Key of X”.

Xian also had the opportunity na mag-voice over para sa pelikulang “Paddington 1 &2” (boses ng bear).

Over at Viva, he was cast sa hit movie ng pop superstar na si Sarah Geronimo, ang Philippine remake ng Korean hit movie na “Miss Granny” na nasundan ng “Hanggang Kailan?,” “Untrue” at “Love The Way You Lie”. Muli naman silang nagsama ni Kim sa afternoon TV series ng ABS-CBN, ang “Love Thy Woman” nung isang taon.

Being with Viva, nagkaroon ng pagkakataon si Xian na mag-host ng isang game show, ang Philippine adaptation ng “1,000 Heartbeats: Pintig Pinoy” sa TV5 and doon ay magsisimula na siya ng taping ng kanyang kauna-unahang TV series sa Kapuso network, ang “Love, Die, Repeat” na pagtatambalan nila for the very first time ng Kapuso star na si Jennylyn Mercado. Ito’y pamamahalaan ng mahusay ng witer-director an si Irene Villamor.

Baby Jude nakilala na si Ninang Liza

ALTHOUGH they became young parents at 22, Janella Salvador and Markus Paterson will not trade their ten-month old son na si Baby Jude Trevor for anything dahil ito ngayon ang sentro ng kanilang relasyon.

Baby Jude who was born in the United Kingdom on October 20, 2020 is turning one year old sa darating na October 20 at walang pinalalampas na milestone ng kanilang baby sina Janella at Markus who are both hands-on parents.

Samantala, nakilala na rin ni Baby Jude ang isa sa kanyang mga ninang na si Liza Soberano at ang nobyo nitong si Enrique Gil.

Dahil parehong celebrity ang parents ni Baby Jude, hindi malayong pumalaot din ito sa mundo ng showbiz when he’s grown up.

PaoloPaolo bagong Netflix Philippines King

KUNG ang singer-actor na si Jerald Napoles ang kinikilalang Vivamax King, ang Kapuso actor na si Paolo Contis naman ang bagong Netflix (Philippines) King dahil muling pumalo sa No. 1 (and no. 22 sa buong mundo) ang pelikulang “A Faraway Land” na pinagtambalan nila ni Yen Santos mula sa direksiyon ni Veronica Velasco na siya ring nag-direct ng isa pang hit Netlix movie ni Paolo, ang “Through Night and Day” na pinagtambalan naman nila ni Alessandra de Rossi na isa rin sa sumulat ng istorya. Ang isa pang pelikula ng Kapuso actor streamed on Netflix ay ang “Ang Pangarap Kong Holdap” na dinirek na Marius Talampas.

May pinagdadaanan man ngayon si Paolo sa kanyang personal na buhay dahil sa recent break-up nila ng kanyang live-in partner of many years na si LJ Reyes, masaya naman ang actor dahil sa mainit na pagtanggap ng kanyang latest streaming movie na “A Faraway Land” sa Netflix.

Si Paolo ay may tinapos ding bagong movie sa bakuran ng OctoArts Films na siya ring co-producer ng pelikulang “Through Night and Day” with Viva Films.

BeadomBea at Dominic sinulit ang bakasyon sa Amerika

HINDI makakalimutan ng magkasintahang Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang month-long vacation sa iba’t ibang lugar ng California, USA dahil ito ang kanilang first long bonding moment sa ibang bansa.

Talagang sinulit nina Bea at Dominic ang kanilang bakasyon at kasama na rito ang kanilang pagdalo sa baby shower ng tiyahing aktres ni Dominic, ang San Francisco-based na si Beth Tamayo na sinundan ng dalawa nilang dinner dates sa bahay ni Beth at mister nitong si Adam Hutchinson.

Ang maganda, the new couple decided to share their happy moments in California sa vlog mismo ni Bea.

Ngayong nakabalik na sa bansa sina Bea at Dominic, handang-handa na ang bagong Kapuso actress na simulan ang kanyang first movie with Kapuso actor Alden Richards, ang local remake ng Korean movie na “A Moment to Remember” na magkakatulong na ipu-produce ng GMA Films, Viva Films at APT Entertainment, sa direeksyon ni Nuel Naval.

Bukod sa pelikula, may bagong TV series ding gagawin si Bea sa Kapuso Network pero hindi pa dini-divulge kung sino ang kanyang makakapareha.

AnneAnne takot pa ring magtrabaho sa labas

ALTHOUGH hindi pa bumabalik sa “It’s Showtime” si Anne Curtis, sinigurado niya sa kanyang fans na babalik sa noontime program na pinagsasamahan nila nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Amy Perez at iba pa.

Naghihintay din kay Anne ang kanyang Viva family para sa pagsisimula niya ng bagong movie at iba pang proyekto.

Kahit nung February 2021 pa nakabalik ng bansa si Anne with her husband, Erwan Heussaff and baby Dahlia, takot pa rin ang actress-host na magtrabaho dahil sa pandemya dahil gusto niyang maprotektahan ang kanyang pamilya laluna na ang kanyang one-year-old daughter.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE