Kim at Jerald inuna ang career kaysa kasal

March 18, 2024 Aster Amoyo 95 views

JeraldMATAPOS mapanood sa pelikulang “Instant Daddy” nung isang taon, muling nagbabalik ang theater, TV & film singer, actor-comedian na si Jerald Napoles sa isang comedy-horror movie na “Pagpag 20/7” na film directorial debut ni JR Reyes, apo sa pamangkin ng veteran comedy director na si Antonio `Tony’ Y. Reyes under Viva Films.

Showing ngayong March 20 (Wednesday) sa mga sinehan, ang nasabing pelikula ay tinatampukan din nina Wilbert Ross, Nikko Natividad, Nicco Manalo at Danita Paner.

Taong 2000 nang magsimula sa entablado si Jerald sa pamamagitan ng “Jesus Christ Superstar” na nasundan pa ng “St. Louis Loves Dem Filipinos,” “Zsa Zsa Zaturnnah Ze Muzika,” “Magsimula Ka,” “Noli Me Tangere,” at “Care Divas”. Pero ang biggest break niya sa entablado ay nangyari nung 2014 nang gampanan niya ang papel na Tolits bilang ka-alternate ni Pepe Herrera at Benj Manalo sa hit musical na “Rak of Aegis” habang ang nobya na niya ngayon na si Kim Molina naman ang alternate ni Aicelle Santos as Aileen. Sa nasabing musical sila nagkalapit ni Kim hanggang maging sila at sampung taon na ngayon ang kanilang relasyon.

Although nakagawa na rin noon ng indie movies si Jerald na kanyang sinimulan in 2006 sa “Saan Nagtatago ang Happiness,” taong 2014 nang makatawid siya sa mainstream movie sa pamamagitan ng kanyang cameo role sa “English Only, Please” movie nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay under Quantum Films na sinundan ng kanyang supporting role sa “You’re The Boss” ng Star Cinema.

Taong 2016 nang mapasama siya sa hit movie ng Viva Films, ang “Camp Sawi” at sa launching hit movie ni Kim Molina under Viva Films, ang “Jowable”.

Naniniwala si Jerald na napansin siya nang husto when he played Tolits in “Rak of Aegis,” his biggest major role sa isang musical. Kasunod na rito ang kanyang pagkakasama sa Sunday musical variety show ng GMA, ang “Sunday PinaSaya” at naging bahagi rin siya ng ilang serye ng Kapuso Network tulad ng “My Faithful Husband” and several guestings sa mga programa ng GMA tulad ng “Celebrity Bluff,” at iba pa. Nakasama rin siya sa cast ng “That’s My Amboy “ at sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Nagtuluy-tuloy ang magandang takbo ng career ni Jerald when he joined his girlfriend (of ten years) na si Kim Molina sa bakuran ng Viva Artists Agency (VAA). First movie nila together ang “Jowable” in 2019 before the pandemic.

Sinubok naman ang tatag ng kanilang relasyon ni Kim nang dumating ang pandemic and that’s when they started living in.

Although may mga pelikulang magkasama sila ni Kim tulad ng “Ang Babaeng Walang Pakiramdam, “Camp Sawi,” “Walang Forever” at “The Write Moment,” they are also given separate projects.

In the case of Jerald, he was in the film “Kaka” at “Instant Daddy” at ngayon sa “Pagpag 24/7” na hindi niya kasama si Kim na kamakailan lamang napanood sa “ZoomBabe” with Empoy Marquez. Pero ang maganda sa kanila, suportahan sila sa isa’t isa kahit hindi sila magkasama sa isang proyekto. Kim was present sa premiere night ng “Pagpag 24/7” na ginanap sa Cinema 2 ng SM Megamall last Sunday.

Marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakasal ang dalawa considering na matagal na rin silang nagsasama at sampung taon na rin ang kanilang relasyon.

Ayon kay Jerald, sumasagi rin umano sa kanilang usapan ang marriage pero hindi umano ito ang kanilang priority sa ngayon kundi ang kanilang respective careers at ang itinayo nilang negosyo.

Aware din ang dalawa sa kabi-kabilang break-ups na nangyayari sa maraming showbiz couples pero hangga’t kaya nila ay hindi nila ito ini-entertain lalupa’t dumaan na rin ang relasyon nila ni Kim sa maraming pagsubok.

Ayon na rin mismo sa singer, actor-comedian, hindi umano nila pinalalampas ni Kim ang araw na hindi sila nagkakaayos kapag sila’y nagkakaroon ng problema. Agad umano nila inaayos ang anumang gusot sa kanilang pagitan.

Direk Tony ipinasa ang nalalaman sa apo

kaya pang mag-direk ng veteran director na si Tony Y. Reyes (isa sa mga paboritong director ng veteran actor-comedian at host na si Vic Sotto, mukhang unti-unti na rin nitong ipinapasa ang kanyang talent sa pagdidirek (both on TV and films) sa kanyang apo sa pamangkin na si JR Reyes na siyang director ngayon ang tumatakbong weekly TV sitcom ni Bossing (Vic Sotto) sa GMA, ang “Open 24/7” na tinatampukan din nina Maja Salvador, Jose Manalo at iba pa.

Sa pelikula naman ay ang Viva Films ang siyang nagbigay sa kanya ng malaking break sa pamamagitan ng comedy-horror movie na “Pagpag 24/7” kung saan tampok na mga bituin sina Jerald Napoles, Nicco Manalo, Nikko Natividad, Wilbert Ross at Danita Paner na mapapanood sa mga sinehan simula ngayong Miyerkules, March 20.

“Direk Tony Reyes has always been my mentor from day 1,” pahayag ng bagong sibol na director.

Bea at Julia nagkita, nagbeso, nag-usap na parang walang nangyari

JuliaBeaBea1GeraldMAY lumang kasabihan na “ang sugat ay naghihilom sa pagdaan ng panahon”. Ang kasabihang ito ay muling nagkatotoo sa pagitan nina Bea Alonzo at Julia Barretto na hindi inaasahang magtatagpo sa surprise tribute sa dating Star Magic head ng ABS-CBN at ngayon ay consultant ng Sparkle GMA Artists Center ng Kapuso network na si Johnny Manahan na mas kilala sa tawag na Mr. M. Sa nasabing okasyon ay nagkita-kita ang mga dating alaga ni Mr. M mula sa Star Magic hanggang sa Sparkle. It was a star-studded affair na dinaluhan ng napakaraming stars and talents ng Star Magic (na pinamamahalaan ngayon ni Direk Laurenti Dyoji) at Sparkle ng GMA (which he rebranded from GMA Artists Center) in his capacity as consultant.

Kabilang sa mga dumalo sa surprise tribute kay Mr. M. last Saturday, March 16 ay ang dating President/CEO ng ABS-CBN at award-winning actress-host na si Charo Santos-Concio, Korina Sanchez, Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Piolo Pascual, Sam Milby, Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Hear Evangelista, Angelica Panganiban, Julia Barretto, Joshua Garcia, Dimples Romana, Donny Pangilinan, Pokwang, Carlo Aquino, Sharon Cuneta, Ruffa Gutierrez, Rica Peralejo at marami pang iba. Sa nasabing okasyon ay hindi inaasahan ang pagtatagpo nina Bea Alonzo at Julia Barretto na nag-beso at nag-usap na parang walang naging problema sa kanilang pagitan.

Kung matatandaan pa, si Julia ang itinurong dahilan ng hindi inaasahang paghihiwalay nung 2019 nina Bea at Gerald Anderson, na kasintahan ngayon ni Julia. Ito ay mainit na pinag-usapan lalupa’t that was also the time na naghiwalay sina Julia at dati nitong boyfriend na si Joshua Garcia. Sa panahon ding `yun nauso ang word ng “ghosting” dahil wala umanong formal break-up sa pagitan nina Bea at Gerald. Basta hindi na lamang silang nag-usap. But everything now is water under the bridge. Bukas na ang relasyon nina Julia at Gerald habang si Bea naman ay engaged to be married na sa (dating) nobyong si Dominic Roque na nauwi naman sa hiwalayan.

Since that was more than four years ago, pare-pareho na silang nakapag-move on with their respective lives lalupa’t iisa lamang ang kanilang ginagawalang mundo ng showbiz.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” and “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE