Beloved

Baron ipinakilala ang love child sa misis

March 17, 2024 Vinia Vivar 146 views

May pasabog na rebelasyon si Baron Geisler sa kanyang panayam kay Ogie Diaz. Inamin ng aktor na may isa pa siyang anak sa ibang babae bukod sa anak na babae sa asawang si Jamie Evangelista.

Noong una ay hindi pa masabi ni Baron kay Ogie na may isa pa siyang anak but later on ay napaamin na rin siya.

“Well, alam mo, si Baron, ano ‘yan, eh, madaling malaman kung nagsisinungaling, ‘di ba?” sey ni Baron.

“When I speak the truth, I speak the truth. When I lie, I lie. So, I have someone out there,” he revealed.

“I have a kid out there, another one. But for now… I hope someday, when things are okay, we’ll get to talk with her here, ‘di ba? Katabi ko na siya dito. Hi, anak, kamusta?” aniya.

Babae rin ang anak niyang ito and turned out na ito talaga ang kanyang panganay. At alam umano ito ng kanyang misis.

Na-meet na niya ito pati ng kanyang asawa.

“Happy ako na lumaki siyang hindi niya naranasan ‘yung kapangitan ng ugali ko, kabulastugan ko. Pero lonely and sad because I didn’t get to hug her or see her grow up or talk to her or play with her.

“Pero you know, I always believe in ‘everything happens for a reason,’” he said.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit siya naka-relate sa kanyang role sa pelikulang Doll House.

“Kaya naka-relate ako kay Rustin sa Doll House. Du’n ako humugot. Kasi ang huling beses ko siyang nakita, five or six years old siya. Then. biglang dalaga na siya.

“Natuwa ako, naiyak ako nu’ung nag-reach out siya sa akin. Pero hindi ko pinakitang umiyak ako,” kwento ni Baron na bida ngayon sa Viva Films movie na Dearly Beloved kasama si Cristine Reyes.

Ibinahagi rin ng aktor na nang first time niyang makita ang anak ay sobrang excited siya.

Pumunta siya sa bahay nito at kasama pa niya ang kanyang wife. Binilhan pa niya ng mamahaling set ng alahas ang anak dahil malaki na umanno ang utang niya rito.

AUTHOR PROFILE