MPD Sinalubong ng mga pulis-Maynila ang mga nagsasagawa ng protesta habang may hawak na placard na may nakasulat na ‘We Love You,’ at ‘Happy Labor Day’ at personal na umantabay si MPD chief Andre P. Dizon. Kuha ni JON-JON REYES

Kilos-protesta sa Labor Day sa Mendiola, matiwasay

May 1, 2023 Jonjon Reyes 583 views

DizonProtestNAGING matiwasay at payapa ang mga isinagawang kilos-protesta ng mga iba’t-ibang grupo sa Mendiola, Lungsod ng Maynila sa Araw ng Paggawa o “Labor Day,” Mayo 1 na nagsimula ng alas-5 ng umaga.

Nagsabay-sabay ang iba’t-ibang grupo na tumungo sa Mendiola at dito sila nagsagawa ng kilos-protesta at programa.

Tinatayang nasa higit 2,000 ang mga taong lumahok at pagsapit ng alas-11 ng umaga ay nagtungo ang ibang mga grupo sa US Embassy sa Roxas Boulevard, ayon kay P/Maj. Philip Ines ng MPD-Public Information Office (PIO)

Kabilang sa mga grupo na sumali sa protesta ay ang ADLO-KMU, Kilusang Manggagawa, Sandugo, Courage, CSO, at Kadamay.

Naglabas sila ng hinaing at program ana may kinalaman sa wage hike, pagtuligsa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), pagtalaga ng mga US troops sa bansa, at iba pa.

Kasabay nito, sinalubong naman sila ng mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) ang mga nagpoprotesta habang may mga dalang placard at nakalagay ang mensahe na “We Love You” para sa manggagawang Pilipino; “Happy Labor Day”; “Magkaisa”; at “Salamat po sa inyong sakripisyo!”

Pinamunuan naman ni “The Game Changer General” MPD Director P/BGen. Andre P. Dizon ang pag-antabay sa mga kapulisan upang maging mapayapa at mairaos ng mga grupo ng manggawa ang kanilang aktibidad at selebrasyon ng paggawa.

AUTHOR PROFILE