Usxher

Kiko, tumodo sa paghuhubad at pakikipaglampungan

November 25, 2022 Vinia Vivar 465 views

Puring-puri ng entertainment press si Kiko Estrada sa kanyang pagganap bilang cheating husband sa Vivamax Original Movie na Us x Her with Angeli Khang and AJ Raval.

Partida, hindi pa siya nakapaghanda sa kanyang role dahil nang sabihin sa kanya ang project ay kinabukasan na sila magshu-shoot.

“I wasn’t supposed to do this project and then, I read the script for two hours, tapos I got a phone call from Direk Jules (Katanyag), and I had to say yes, kasi sobrang ganda ng script,” sey ni Kiko sa mediacon matapos ang private screening ng Us x Her.

Si Diego Loyzaga ang original choice for the film pero bigla raw itong nagkasakit when they were about to shoot. Kaya kaagad silang naghanap ng kapalit.

Walang problema kay Kiko kahit pa second choice siya. Tinawagan nga raw niya si Diego bago niya tanggapin dahil close sila.

“I was like, ‘kaya mo bang gawin? Gusto mo bang gawin? Hintayin kita, magno-no na lang ako kung gusto mong gawin.’ And he told me he was to sick to do it and he told me to go. So I felt it was a blessing,” he said.

Aniya pa, napaka-childish naman kung iisipin pa niya na second choice siya.

“It’s nothing like that. He couldn’t do it and I was able to do it and if he was able to do it, I’ll be his support,” sey ni Kiko.

Tumodo rin ang aktor sa mga daring scene with the two Vivamax queens at parang ngayon lang namin siya nakita sa mga ganitong kaiinit na eksena partikular na nga sa threesome scenes nila na hindi lang isa kundi maraming beses.

“I felt like a king,” sagot ni Kiko nang tanungin siya kung kumustang katrabaho ang dalawang reyna ng Vivamax. “They’re very kind, they’re very generous with their time, you know when we were doing scenes, they were patient, especially direk.”

Mapapanood na sa Vivamax ang Us x Her.

Kasama rin sa pelikula sina Bob Jbeili at Shehyee.

PAINIT NANG PAINIT

Painit nang painit ang mga eksena at batuhan ng linya sa top-rating GMA primetime series na Maria Clara at Ibarra!

Kamakailan lang, nag-breakdown si Klay (Barbie Forteza) sa isang pagtitipon kasama sina Ibarra (Dennis Trillo) at Fidel (David Licauco) dahil sa pangmamaliit ng mga bisita sa kababaihan.

Pina-realize rin ni Klay kay Maria Clara (Julie Anne San Jose) kung paano nililimitahan ng mga lalaki noon ang pwedeng gawin at matutunan ng mga babae.

After ng intense scene, nangako si Klay na magla-lie low muna para makaiwas sa gulo. Pero mapanindigan niya kaya ito?

Samantala, magdaraos muli ng malaking pagtitipon si Ibarra sa tulong ni Maria Clara. Maging successful kaya ang kanilang teamwork?

Subaybayan ang Maria Clara at Ibarra tuwing 8 p.m. sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

AUTHOR PROFILE