Default Thumbnail

Kelot timbog sa omnibus election code

October 25, 2022 Jonjon Reyes 251 views

KAMPANTENG wala ng sala at ligtas na sa batas ang isang 39-anyos na lalaki dahil nakapagpiyansa na ito sa kasong pagdadala ng baril noong election period, subalit hindi naman ito nakakadalo sa pagdinig sa korte kaugnay sa kanyang kaso, kaya muli itong inaresto sa bisa ng arrest warrant, gabi ng lunes sa Tondo, Maynila.

Ang nahuling suspek ay pawang residente ng Barangay 105, sa Tondo.

Base sa ulat ni P/Maj. Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), bandang 9:30 ng gabi nang arestuhin ang suspek sa kanyang bahay sa nasabing lugar.

Dahil sa patuloy na “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) na direktiba ni Manila Police District (MPD) Director Andre P. Dizon, agad ibinaba kay P/Maj. Emmark Dave Apostol ang pag-aresto sa suspek.

Nasakote ang suspek katuwang ang Station Warrant Section na mga tauhan ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr. at ang ilang tauhan ng MPD-Smokey Police Community Precinct (PCP) at armado ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Lina Nieva Sabado-Casais ng Regional Trial Court Branch 20 ng Maynila.

Ang akusado ay naitalang “most wanted” sa station level dahil sa paglabag nito sa Republic Act (RA) 10591 (28 (A) (F) (Illegal Possesion of Firearms) Omnibus Election Code of the Philippines as amended, in relation to Comelec Resolution No. 10728 (261 OF).

AUTHOR PROFILE