Kulong

Kelot timbog sa estafa

September 22, 2023 Jonjon Reyes 315 views

TIMBOG na lalo pang natimbog ang isang 38-anyos na lalaki dahil sa kasong estafa.

Isinilbi ang warrant of arrest ng suspek sa loob ng Manila City Jail sa Old Bilibid Compound sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila Huwebes ng umaga.

Ayon kay Police Colonel Samuel Pabonita, hepe ng District Investigation Division (DID) ng Manila Police, nakatira sa Balagtas St., Tondo ang suspek.

Ayon kay Police Major Jervies Soriano, hepe ng District Police Investigation Operation Unit (DPIOU) muling inaresto ang suspek bandang 10:30 ng umaga nang magtungo ang mga tauhan ng DPIOU sa male dormitory ng MCJ.

AUTHOR PROFILE