Default Thumbnail

3 sasakyan nagkarambola sa harap ng Manila City Hall

September 22, 2023 Jonjon Reyes 123 views

ISANG jeep, motor at taxi ang nadamay sa karambola ng sasakyan sa harap ng Manila City Hall Huwebes ng umaga, ayon sa pulis.

Naganap ang karambola nang mawalan ng preno ang isang pampasaherong jeep at bumangga sa isang motorsiklo at saka nawalan ng kontrol at muling bumangga sa isang taxi hanggang sa magpa-gewang-gewang ang jeep at bumangga sa poste sa Padre Burgos St., Ermita, Maynila.

Dahil dito, nagtamo ng pinsala ang dalawang pasahero na isang babae at isang lalaki ng jeep na minamaneho ni Jonathan Pedrosa, Latorre ng Daang Kalabaw, Bacoor.

Batay sa ulat ni Police Corporal Rustom Arcyll De Guzman kay Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Section ng Manila District Enforcement Unit (MDEU), bandang 9:40 ng umaga, nang aksidenteng mawalan ng preno ang jeep at bumangga sa Yamaha Mio 125 na minamaneho ng isang Jaypee Ramos.

Nagtuloy tuloy na pagewang gewang ang sasakyan hanggang sa mabundol ang isang taxi na minamaneho ni Ren Dexter Gabriel.

Sugatan din ang tsuper ng jeep at ang dalawa niyang pasahero na isinugod sa pinakamalapit na ospital.

AUTHOR PROFILE