Posas

Kelot tiklo sa pagmamaltrato

February 13, 2024 Steve A. Gosuico 145 views

CUYAPO, Nueva Ecija–Inaresto ng mga pulis noong Lunes ang isang lalaki dahil sa paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Ayon kay Lt. Col. Erwin Ferry, hepe ng pulisya, inaresto ang suspek na si alyas Ador, ng Mabini St., Brgy. District 4, dakong alas-6:00 ng gabi sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Presiding Judge ng Family Court, Branch 16 sa Valenzuela City.

Sinabi ni Ferry na agad nilang isinilbi ang warrant matapos makakuha ng kopya ng dokumento noong Lunes.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang naarestong suspek para sa kaukulang disposisyon.

AUTHOR PROFILE