Posas

Rape suspek huli sa Laguna

February 13, 2024 Jojo C. Magsombol 73 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Laglag sa mga alagad ng batas ang suspek sa panghahalay sa Brgy. Maytalang I, Lumban, Laguna noong Lunes.

Residente ng Brgy. Bungahan, Lian, Batangas ang suspek, ayon sa pulisya.

Dinakma ang suspek bandang alas-11:05 ng umaga ng mga operatiba ng Lian police sa pangunguna ni PEMS Leonardo Flores, na kumilos sa utos ni PMaj. Ferdinand Bautista Vergara, ang hepe ng pulisya ng Lian.

Inisyu ang warrant of arrest laban sa suspek ng Regional Trial Court, Branch 11 ng Balayan, Batangas at walang inirekomendang piyansa.

AUTHOR PROFILE