Default Thumbnail

Kelot tiklo sa P147K ‘kush’

June 17, 2022 Jonjon Reyes 320 views

TINATAYANG aabot sa P147,000 ang halaga ng nakumpiskang “high grade” marijuana o “kush” sa isang lalaki sa Quiapo, Maynila madaling araw ng Biyernes.

Base sa ulat ni Station Commander P/Lt. Col. Ramon Nazario ng Manila Police District (MPD)-Barbosa Police Station 14, bandang 1:30 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation na may kaugnayan sa “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation” (SACLEO) at matagumpay nadakip ang suspek sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue at Severino St., sa Quiapo.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 100 hanggang 105 gramo ng marijuana o “kush” na katumbas ng nasabing halaga.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek na si alyas “Choy” sa MPD Station 14 at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

AUTHOR PROFILE