Default Thumbnail

Kelot na wanted sa station level, arestado

November 11, 2022 People's Tonight 238 views

ARESTADO ang isang 19 anyos na wanted sa station level ng Manila Police District (MPD) Sta Ana Police station-6 dahil sa kasong acts of lasciviousness .

Ang akusado ay nakilalang si alyas “Rick” binata,walang trabaho at kasalukuyang naninirahan sa Block II .Lot I Tops Vill, Pulang Pula 2, Las Pinas City.

Ayon sa ulat ng Sta.Ana Police Station (MPD-PS6), nadakma ng mga operatiba ng Warrant Section and Follow-Up, MPD-PS 6 Intelligence Section sa pangunguna ni Chief P/Maj Geuel P.Capuz at sa tulong ng mga operatiba ng Las Pinas Police Station si “Rick” na suspek sa nasabing lugar Miyerkules ng gabi..

Ayon kay PLt.Col Orlando A.Mirando Jr,Commander ng Sta Ana Police Station.6, isinilbi ang warrant sa akusado na insiyu ni Judge Roy G.Gironella, ng RTC Br.43,Manila City sa kasong acts of lasciviousness.

Inirekomenda rin ng korte ang halagang P200,000 piyansa para sa pansamantalang paglaya nito

Kasalukuyang nakadetine ang akusado sa Sta.Ana Police Station (MPD-PS6) Custodial facility habang hinhintay ang pagbalik ng kanyang arrest warrant sa korte at issuance ng kanyang commitment order.

AUTHOR PROFILE