Knife

Kelot kinadyot ng saksak, tepok

June 5, 2023 Jonjon Reyes 320 views

HINDI na umabot ng buhay sa Ospital ng Maynila ang isang 33-anyos na binata na kinadyot ng saksak habang kumakain sa isang karinderya Sabado ng hapon sa Paco, Manila.

Nakilala ang biktimang si Mark Anthony Villasan, ng Bgy. Elisi General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Mabilis nakaeskapo ang suspek na si Edwin Mojica, 31, binata, tambay, ng Estero De Paco sa Barangay 686, Zone 75 , Paco.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Dennis Suba kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 1:45 p.m. nang lapitan ng suspek ang kumakaing biktima.

Walang sabi-sabi, nang kadyutin ng saksak sa tagiliran ang biktima ng suspek.

Nagtulong-tulong na maisugod sa ospital si Villasan ngunit binawian ito ng buhay dakong 2 p.m.

Malaki ang hinalang napagkamalang asset ng pulis ang biktima, dahil bago umano ito sa lugar.

Patuloy na tinutugis ang suspek.

AUTHOR PROFILE