Kate

Kate, todo-hirap sa dual role

November 4, 2022 Jun Nardo 395 views

TODO-HIRAP ang dinanas ng Kapuso artist na si Kate Valdez sa dual role niya sa coming GMA Afteroon Prime series na Unica Hija.

“First time kong magkaroon ng ganitong project at maingat po namin siyang ginagawa dahil sensitive ang story. Marami pong matututunan dahil hindi lang siya science at cloning naka-focus,” pahayag ni Kate sa zoomcon ng series.

Kapareha niya rito si Kelvin Miranda at ang ilan sa magpapahirap sa kanya ay sina Faith da Silva at Rere Madrid.

May special participation si Konsehal Afred Vargas sa Unica Hija.

NAGKA-KOMPLIKASYON

SUPER-INGAT na sa kanyang kalusugan si Vilma Santos-Recto pero hindi pa rin siya nakaligtas sa COVID-19.

Pero ang naging problema ni Ate Vi, tinawag niyang long covid ang naranasan niya, huh!

Ayon sa video niya sa Instagram, nagkaroon siya ng complications gaya ng asthma attack kaya naman kahit negative na siya sa virus, hindi pa rin nawawala ang masamang pakiramdam niya.

Paalala ng ng Star for All Seasons, pauloy na mag-ingat dahil hindi pa nawawala ang COVID.

Pero noong nakaraang kaarawan niya last November 3, bumalik na sa IG si Ate Vi upang pasalamatan ang lahat ng bumati at nakaalala sa kanya.

Pati regalong red roses ng asawang si Ralph Recto ay ipinakita niya.

“Thank God at ikaw ang ibinigay Niya sa akin. I love You,” mensahe ni Ate Vi sa asawa.

Nangako naman ang Star for All Seasons na madalas na siyang makikita lalo na’t may balita ngang gagawa na siya uli ng movie.

AUTHOR PROFILE