Jessy Larawan mula sa IG/@jessymendiola

Kaseksihan ni Jessy ibinandera sa kanyang b-day

December 4, 2023 People's Tonight 123 views

BINULABOG ng celebrity mom na si Jessy Mendiola ang netizens sa kanyang birthday matapos nitong ibandera ang kanyang sexy body.

Sa kanyang Instagram page nitong Linngo, Disyembre 3, todo flex ang aktres ng kanyang katawan. Ibinahagi niya ang mga larawan kung saan suot-suot niya ang isang hapit na see through mini dress, habang naka white bikini.

In-upload ni Jessy ang nasabing mga larawan para sa pagdiriwang ng kanyang ika-31 kaarawan.

Hindi naman napigilang magbigay ng komento ng kanyang mister at TV host-actor na si Luis Manzano.

“Ang ganda naman Mrs. Manzano,” sey ni Luis.

Inulan naman ng birthday greetings at papuri ang kaseksihan ni Jessy mula sa netizens at ilan pang celebrities.

“Haay grabe naman. San lumabas si Rosie???”

“Happy Birthday Jessy, beautiful inside out.”

“Ang gandaaaa mo atee! Happy Birthday. Ang swerte lucky ni kuya Luis sa inyo.”

“Kahit nanay kana ikaw parin pinaka masarap sa lahat ng artista ngayon.”

“Grabe did you even give birth????”

AUTHOR PROFILE