Crime

Kandidato sa pagka-konsehal inambush sa S. Kudarat, tigok

September 13, 2023 Zaida I. Delos Reyes 206 views

PATAY ang isang kandidato sa pagka-konsehal matapos na tambangan ng hindi pa nakikilalang suspect nitong Martes sa sa bayan ng President Quirino , Sultan Kudarat.

Kinilala ni President Quirino Police Chief Major Davis Dulawan ang biktima na si Tayan Mamalinta, 50, tumatakbong konsehal sa Bgy. Pandag, Maguindanao del Sur.

Batay sa ulat ng PNP, naganap ang pananambang dakong 3:00 ng hapon sa sa highway ng President Quirino.

Minamaneho umano ng biktima ang kanyang motorbike nang tambangan ng dalawang suspect na magka-angkas sa motorsiklo.

Dead on the spot ang biktima bunga ng tama ng baril sa katawan habang mabilis namang tumakas ang mga suspects.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.