Medina

Kalye sa QC niyanig ng pagsabog

February 21, 2022 Melnie Ragasa-limena 453 views

SA report kay Quezon City Police District (QCPD) PBGen. Remus Medina, bandang 3:15 a.m. (February 21) nang maganap ang pagsabog sa Blk. 30 Lot 19, Salubong St., Brgy. Greater Lagro, Quezon City.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang District Expolsive Ordnance Disposal (EOD) at Canine Unit ng QCPD kaya agad na nagresponde ang mga awtoridad sa pamumuno ni PCpt. Arvin J Dimailig sa lugar.

Ayon kay Cpt. Dimailig, nakita nila ang nagkalat na mga metal fragments sa kalye kung saan isang nakaparadang sasakyan ang nagkaroon ng damage.

Agad na nilagyan ng cordon ang lugar at nagsagawa ng clearing at paneling ang mga awtoridad sa bisinidad sa posibleng mayroon pang nakakalat o nakatagong pampasabog.

Nakasamsam ang mga awtoridad ng mga pira-pirasong metal gaya ng safety lever, fuze assembly at ilang serrated fragments na posibleng mula sa sumabog na granada.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad kung sino ang nag-iwan ng granada at ang motibo sa ginawang pagpapasabog sa nasabing barangay.