Marcoleta

Kalibre ni Congessman Marcoleta

January 24, 2022 Allan L. Encarnacion 235 views

Allan EncarnacionKAPAG iyong mga matatandang sinauna ang napapakinggan kong nag-uusap, hindi puwedeng wala kang mapulot sa kanilang mga huntahan.

Dahil nga panahon ng eleksiyon, palaging kasama sa kanilang pagkukumpara ang Senado noong mga panahong may Soc Rodrigo, may matandang Tanada, may Joker Arroyo at matandang Recto.

Ang pagtanaw nila, iyong mga panahon ng mga tahiran na ito ang masasabing “Mataas na Kapulungan” ang Senado dahil kapag nagdebate ang mga brilliant minds na tulad nila, mayroon talagang mapapakinabangan ang bayan.

Sa tingin ko, kailangan nating bumalik sa ganitong Senate era na ang bawat kilos ng kapulungan ay hindi lamang nakasentro sa imbestigasyon or oversight function bagkus ay isang Senado na nakatutok sa pagsusulong ng kabutihan ng bansa.

Sa totoo lang, isa sa nakikita nating may Tanada, Joker at Recto caliber ay itong si Sagip partylist Congressman Rodante Marcoleta na kumakandidatong senador sa tiket nila BBM at Sara.

Kung magkakaroon kayo ng tiyansa na pakinggan ang mga privilege speech ni Marcoleta at ang lahat ng kanyang mga interviews, naiisip mo agad na may pag-asa pa ang ating bansa.

Madali naman na ngayon magbalik sa mga nakaraan sa tulong ng mga online platforms gaya ng YouTube, Tiktok, Instagram at FB. Balikan nyo ang mga Marcoleta video para maunawaan nyo ang sinasabi ko.

Sa dami ng video ni Marcoleta na napanood ko, ang una kong napansin, hindi siya nag-uulit ng mga sinasabi, lalo na kapag national issues. Kahit anong isyu ang itanong sa kanya, makakapulot ka ng kaalaman sa kanyang mga isasagot dahil alam mong inaaral niya ang kanyang mga sinasabi.

Mula sa peace and order, insurgency, death penalty, health, pandemic, foreign relations at kahit pa economics, maayos niyang naihahanay ang kanyang mga sagot. Kapansin-pansin na wala siyang motherhood statement na karaniwang ginagawa ng mga ibang pulitiko kapag hindi alam ang sagot sa isang partikular na tanong.

Naniniwala tayong kapag iniharap si Marcoleta sa debate ng mga kandidatong senador, mukhang kakain sila ng alikabok sa taong ito. Buwenas na rin tayong matatawag dahil inabot ko pa na may isang ganitong klase ng kandidato na mataas ang uri.

Matapos ko siyang marinig sa lahat ng klase ng isyu, ikinakampanya ko na nga si Marcoleta sa aking mga kamag-anak at kaibigan dahil malaking bagay na may ganitong kalibre ang makakapasok sa senado.

Hindi na tayo nagtataka ngayon kung bakit mismong si President Duterte ay iniindorso si Marcoleta bilang kanyang number one senatorial candidate dahil mukhang inaral niya ang karakter at kakayahan nito.

Kahit sila BBM at Sara, personal na ikinakampanya si Marcoleta para maging bagong senador ng bansa.

allanpunglo@gmail.com