Julia

Julia, natuto nang protektahan ang pribadong buhay

August 24, 2022 Vinia Vivar 392 views

Sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood natin si Julia Barretto in a daring film, ang Expensive Candy ng Viva Films kung saan ay kapareha niya si Carlo Aquino mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.

Sa online mediacon last Tuesday ay natanong ang aktres kung bakit siya napapayag na tumanggap ng daring film, ayon kay Julia, hindi niya kayang hindian si Direk Jason.

Pero ang number one reason ay ang story ng pelikula.

“The story is really nice. Nu’ng nabasa ko ‘yung script, I immediately wanted to do it,” aniya.

Dagdag pa niya, “And I feel like I’m already at the point in my life where it’s okay to get out of my comfort zone. So yeah, I’m very much excited to do this.”

Kakaibang Julia nga raw ang makikita sa pelikula dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gumaganap siya bilang isang hostess at siyempre, kasama na rito ang pagpapakita ng kaunting skin.

Bilang preparasyon nga ay nagpunta pa siya mismo sa red light district sa Angeles City at in-interview ang mga babaing nagtatrabaho roon.

“Napanood namin ‘yung the beautiful women there, the hardworking beautiful women who work there in that street in Angeles City. I admire them so much and I have so much respect for them.

“And mayroon po akong mga naging kaibigan at saka mga nakilala nu’ng gabing ‘yun,” ani Julia.

Sa pakikipag-usap sa girls ay may mga nakuha raw siyang tips and tricks at mga dance move. First time nga rin daw siyang makikita na sumasayaw sa pelikulang ito.

Singit naman ni Direk Jason ay nag-table raw ng babae si Julia sa Angeles.

Dagdag naman ng aktres, nag-disguise pa siya at first pero later on ay nagpakilala rin siya at sinabi ang dahilan kung bakit siya nando’n.

Samantala, natanong din si Julia tungkol sa pagkakadamay ng kanyang love life sa pelikulang ito. May mga tsismis nga kasing break na sila ni Gerald Anderson although hindi naman ito direktang naitanong sa aktres.

“I’ve always been very private, well just recently, with my personal life. I think with everything that has happened before, I’ve learned to be protective of my personal life.

“So, I’d like to keep that as private as much as possible and just drawing that boundary between work and my personal life,” pahayag ni Julia.

Ang Expensive Candy ay mapapanood sa mga sinehan nationwide sa Sept. 14.

AUTHOR PROFILE