Riaz

Joshua, nag-congratulate sa engagement nina Ria at Zanjoe

February 20, 2024 Vinia Vivar 105 views

RingRiaEngaged na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde. Ibinahagi ng celebrity couple ang good news sa Instagram kahapon.

Sa isang larawan na ipinost nila ay makikitang suot ni Ria ang engagement ring.

Caption ng anak ni Sylvia Sanchez, “Forever sounds good.”

Sa comment section ay sumagot naman si Z ng, “And tastes even better.”

Dumagsa ang pagbati sa magdyowa ng netizens at kapwa celebrities kabilang na ang kapatid ni Ria na si Cong. Arjo Atayde at ang misis nitong si Maine Mendoza.

“Yaaaay love you guys!” komento ni Maine.

“Love you two,” sey naman ni Arjo.

Ang dating na-link kay Ria na si Joshua Garcia ay nag-comment naman ng “Congratulations R and Z!”

Bumati rin sina Angelica Panganiban, Rayver Cruz, Iza Calzado, Jolina Magdangal, Carla Abellana, Vhong Navarro, Sofia Andres, Ara Mina, Janine Gutierrez, Gary Valenciano, atbp.

Matatandaan na kinumpirma ni Zanjoe ang relasyon nila ni Ria noong January, 2023.

AUTHOR PROFILE