Dyessa Larawan mula sa IG/Dyessa Garcia

Paano ba makalma kay Dyessa?

February 20, 2024 People's Tonight 216 views

AMINADONG hindi kinayang maging kalmado ng mga barako nang bumulaga sa kanila ang sumisirit na sex appeal ng Vivamax actress na si Dyessa Garcia.

Sa Instagram page ng sexy star, ibinahagi niya ang ilang larawan para ipakilala ang kanyang karakter para sa pinakabago niyang proyekto.

Tampok si Dyessa sa isang Vivamax original film na pinamagatang ‘KABIT’ sa direksyon ni Lawrence Fajardo. Nakasama niya sa nasabing proyekto sina Angela Morena, Josef Elizalde, at Victor Relosa.

Makikita sa larawan na tila papalabas ng mga kurtina ang hot actress.

Suot ni Dyessa ang kanyang two-piece lingerie

Agad pinusuan, binaha ng fire emojis ang comment section ng nasabing post at sabik ng mapanood ang performance ni Dyessa sa nasabing palabas. Sey nila: “Paano kakalma?”, “Ganda mo talaga idol”, “Ang churaaaaap”, at “Napaka hot mo naman po.”

AUTHOR PROFILE