Joshua

Joshua gustong maging pribado ang relasyon sa French-Pinay

September 28, 2023 Aster Amoyo 236 views

Joshua1NON-SHOWBIZ ang bagong girlfriend ng ex-PBB housemate-turned popular actor and celebrity endorser na si Joshua Garcia, ang French-Filipina golfer at entrepreneur na si Emilienne Virgier (Emilienne Luciana Garbrielle T. Virgier), 25 years old at estudyante ng De La Salle College of St. Benilde kung saan siya nag-aaral ng Consular Diplomatic Affairs.

Since non-showbiz si Emilienne, minabuti nila ni Joshua na gawing pribado kung anumang relasyon meron sila ngayon.

Si Emilienne, na ang ama ay isang French at Filipina naman ang ina, ay gym buddy ngayon ni Joshua na isa ring entrepreneur and successful social media influencer.

Samantala, ibinalita ni Joshua na muli silang magkakatrabaho ng kanyang “The Killer Bride” co-star na si Janella Salvador in a new project sa ABS-CBN.

Malabong ma-link ngayon ang dalawa dahil `taken’ na si Joshua kahit single si Janella na matagal nang hiwalay sa British-Filipino singer-actor na si Marcus Paterson kung kanino siya may isang anak na si Jude Trevor, turning 3 on October 20.

Ryan dinalaw ang mga magulang sa South Korea

RyanSOUTH Korean actor-comedian, businessman and vlogger Ryan Bang (Bang Hyun-sung in real life), 32, is one of the Korean nationals nanaging popular celebrity saPilipinas. Before him, naunang nakilala sina Sandara Park, Grace Lee at Sam Oh with Sandara as Dara Park, now among the popular K-Pop artists in South Korea.

Naging pasaporte ni Ryan sa kanyang showbiz career sa Pilipinas ang kanyang pagsali sa “Pinoy Big Brother: Teen Clash” in 2010 kung saan siya ang tinanghal na 1st runner up to the Big Winner na si James Reid. Naging daan ito para i-sign-up siya ng Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN since 2010 at 13 years na rin siya sa showbiz, particularly as a TV personality bilang isa sa mga hosts ng top-rating and long-running noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” where he started as guest bago siya ginawang mainstay since 2012.

Tulad ng maraming celebrities, si Ryan who is an only child ay produkto ng isang broken family. He was in elementary nang magkahiwalay ang kanyang parents pero nanatili siyang close sa mga ito.

Just recently, muli niyang binisita ang kanyang mga magulang sa South Korea kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend. First time ding nagkita ang kanyang parents after their separation ten years ago.

Ang father ni Ryan ay isang government official habang isang plain housewife naman ang kanyang ina.

This year, Ryan is celebrating his 13th year in showbiz.

Liza nami-miss ang trabaho sa FDCP

IceHINDI ikinakaila ng dating chairperson-CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang actress, flamingo dancer-turned entrepreneur na si Liza Dino na sobra niyang nami-miss ang dati niyang trabaho sa FDCP where she dedicated six fruitful years.

Naging agresibo at productive ang FDCP during her time.

Ngayong wala na siya sa FDCP, nakatuon naman ang kanyang panahon sa bago nilang itinatag na negosyo ng kanyang partner na si Ice Seguerra, ang Fire and Ice Productions which is into events at kasama na rito ang pagpu-produce and direction ng mga live concerts. Nasa plano rin nila ang pagpu-produce ng pelikula na gusto nilang ilahok sa iba’t ibang international film festivals.

Liza has more time with Ice ngayon.

Jeffrey very close pero best friends lang daw sila ni Geneva

GenevaHANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin sa marami ang pagiging extra close and sweet ng dalawang former members ng Smokey Mountain teen group-turned solo na sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo.

Ano nga ba ang estado ng kanilang relasyon lalupa’t parating magkasama ang dalawa sa kanilang beach get-away in Boracay, their favorite beach resort in the Philippines?

Hindi ikinakaila ni Jeffrey nanligaw umano siya kay Geneva noong teen-ager pa sila at pareho pang member ng Smokey Mountain pero binasted umano siya nito. Since then, they remained good friends up to this day.

“We’re best friends,” aniya.

Very close din si Jeffrey sa pamilya ng singer-actress laluna sa namayapang ina nito maging sa anak nitong si London.

Supportive din umano sila sa kanilang respective careers.

Kung si Geneva ay dalawang beses nang nag-asawa at nahiwalay at may dalawang anak at nagkaroon ng iba pang naka-relasyon, si Jeffrey ay never nag-asawa at all.

Hindi kaya naghihintay lamang siya ng tamang panahon na ligawang muli Geneva?

Samantala, although singing was his first love, aminado ang singer, actor at director na mas priority umano niya sa ngayon ang pagdidirek at ang kanyang latest directorial job ay ang sexy movie na “Ligaw na Bulaklak” na siyang launching movie ni Chloe Jenna at kung saan din tampok sina Arron Villaflor, Jeric Raval, Sheree at Sheila Snow now streaming on Vivamax.

Sheree ayaw na munang maghubad sa pelikula

ShareeHINDI ikinakaila ng former Viva Hot Babes member, ang sexy actress, singer-dancer na si Sheree Bautista na pahinga muna siya sa paggawa ng mga sexy movies dahil lumalaki na ang kanyang son (sa theater actor na si Gian Magdangal).

Although walang problema kay Sheree ang pagpapa-sexy sa pelikula, ayaw niyang makantiyawan ang kanyang anak ng ibang tao laluna ng kanyang schoolmates.

Huling sexy movie na ni Sheree ang “Ligaw na Bulaklak” na dinirek ng singer, actor at director nasi Jeffrey Hidalgo na streaming ngayon on Vivamax.

Nakiusap umano siya sa Viva na kung puwedeng i-cast siya sa mga pelikulang hindi niya kailangang magpakita ng skin.

Jane nag-trending kasama ang isang Thai actress

OVER the weekend ay nag-trending ang picture ng “Darna” star na si Jane de Leon kasama ang Thai actress na si Rebecca Patricia Armstrong sa Bangkok, Thailand.

First time nagkakila nina jane at Rebecca at agad nagkaroon ng instant connection ang dalawa.

Nangako umano ang Thai actress na bibisita siya ng Pilipinas at willing siyang iikot ni Jane sa magagandang lugar dito.

“It was nice meeting and bonding with you @becccca____

You’re super nice and accommodating. I’m happy to have found a new friend in you. You mom is awesome and I love her personality. I was hoping we still have more time to spend with but there’s always a next time. I appreciate you for opening up. Thanks for the trust. Rest assured that I’m always all ears for you. See you soon again!” pagbabahagi ni Jane sa kanyang Instagram account.

Samantala, si Jane ay bahagi ng bagong franchise ng “Shake, Rattle & Roll” ng Regal Entertainment na inaasahang kasali sa darating na 2023 Metro Manila Film Festival.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (x) @aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE