Abellana

Jojo emotional nang muling makita ang anak sa Japan

August 3, 2023 Aster Amoyo 336 views

ANIM na taon nang hiwalay ang singer-actor na si Jojo Abellana sa kanyang ex-wife kasama ang kanilang tatlong anak na sina Janella (19) Jasper (16) at Jacob (12) na pare-pareho nang tinedyer ngayon.

Hindi si Jojo ang nakipaghiwalay sa kanyang dating misis kundi siya ang iniwan nito at lumipad patungong Japan kasama ang kanilang mga anak nang mawalan siya ng stable income. Since then ay hindi maialis sa singer-actor ang pangungulila sa kanyang tatlong anak dahil pati sa telepono ay hindi niya umano makausap ang mga ito.

Kapag dumarating ang birthdays ng mga anak at iba pang espesyal na okasyon ay mag-isa itong sini-celebrate ng Viva singer-actor. Hindi rin umano siya tumigil sa pagdarasal na sana’y balang araw ay makita at makapiling niya ang kanyang anak.

Isang araw ay hindi inaasahan ni Jojo na makakatanggap siya ng tawag from Japan mula sa kanyang anak na panganay and only daughter na si Janella and this prompted Jojo to fly to Japan para makita ang anak. Nagkataon din na nasa Japan for a vacation ang kanyang nakatatandang kapatid na si Rey `PJ” Abellana and his family kaya hindi inaasahang family reunion ang nangyari sa kanila.

Kitang-kita ang pananabik sa mag-amang Jojo at Janella na hindi nagkita at nagkausap sa loob ng anim na taon.

Masayang-masaya naman si Rey para sa kanyang nakababatang kapatid na si Jojo dahil kitang-kita rito ang ibang kasiyahan nang makita at makapiling ang kanyang panganay na anak.

“Priceless,” ani Jojo.

Although Jojo has yet to see his two younger sons na sina Jasper at Jacob, naniniwala ang Viva singer-actor na mangyayari umano umano ito in God’s perfect time.

“I’m just here for my children,” aniya.

“Whenever they need me, nandito lang ako para sa kanila,” emotional na pahayag ng singer-actor.

Si Jojo ay kasama sa cast ng upcoming TV series ng Viva One, ang “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” base sa best-selling book by Marcelo Santos III na magsisimulang mapanood sa darating na August 21, 2023. Ito’y tinatampukan nina Carlo Garcia, Coleen Garcia, Rhen Escano, Jerome Ponce, Ryza Cenon at Kiko Estrada kasama sina Andrea del Rosario, Jeric Raval, Maricel Morales, Jourdanne Castillo at Andrew Muhlach mula sa direksyon ni Carlo Enciso Catu.

Lamay para kay Art nagsilbing reunion ng mga Ilacad at del Rosario

ArtHANGGANG sa huling lamay ng dating drummer ng Boyfriends at dating executive ng OctoArts International and OctoArts Films na si Art Ilacad ay hindi talaga nagpakita ang isa sa original member ng grupo na namayagpag nung late `70s to early ‘80s na si Joey Abando. Pero dumating ang dalawa pang natitirang miyembro na sina Gary Arriola at Bob Guzman (who are still active bilang Boyfriends kahit silang dalawa na lamang ang natira sa grupo) na nagbigay-pugay sa dati nitong kasamahan at kaibigan na si Art by singing some of the classic hit songs ng grupo tulad ng “Dahil Mahal Kita,” “Bakit Labis Kitang Mahal” at “Sumayaw, Sumunod”.

Nagsilbi rin ang lamay ni Art bilang reunion ng dating mga taga Vicor Music Corporation (na pinamunuan dati ng magpinsang Vic del Rosario at Orly Ilacad) at maging sa mga taga-OctoArts na pinamumunuan mismo ni Boss Orly Ilacad. Bukod kina Gary at Bob ng Boyfriends ay dumalo rin ang isa sa mga hitmakers noon ng OctoArts na si Eva Eugenio na siyang nagpasikat ng mga awiting “Tukso,” “Pag-ibig na Walang Dangal,” “Mahal Mo Ba Siya?,” “Ano Ang Gagawin (Kapag Wala Ka Na?)” “Bulong ng Damdamin” at marami pang iba.

In full force din ang pamilya ni Boss Vic del Rosario ng Viva na dumating kasama ang younger sister na si Tess del Rosario-Cruz at mga anak na sina Vincent, Veronique, Valerie at VR del Rosario.

Boss Vic del Rosario and Tess del Rosario-Cruz ng Viva at Boss Orly Ilacad ng OctoArts are first cousins dahil magkapatid ang late father nina Boss Vic at Tess at ang late mother ni Boss Orly. Mga pamangkin naman ni Boss Orly at namayapang si Art sina Vincent, Veronique, Valerie at VR. Naroon din ang mga nakababatang kapatid ni Boss Orly na sina Sunny, Guy at Chito Ilacad minus Ricky Ilacad na nasa Australia. Sa lamay din ni Art unang nagkita-kita ang ibang magkakamag-anak at magpi-pinsan sa pagitan ng Ilacad at Del Rosario.

Boss Vic and Boss Orly are both in the business for 58 years now matapos nilang itatag noon ang Vicor Music Corporation (Vicor stands for Vic and Orly) in1965. The company became the number one recording company in the `70s until their separation in December 1977. Magkahiwalay na itinatag ng magpinsan ang Viva (ni Boss Vic) at OctoArts (ni Boss Orly) and the rest ay history nang maituturing.

Kung namayapa na ang eldest brother ni Boss Vic na si Teddy del Rosario, si Art naman ang youngest brother ni Boss Orly na sumakabilang-buhay na rin.

Naroon din ang dating mga taga-Vicor at ngayon ay nasa Viva na, ang magkapatid na Baby Gil at Guia Gil-Ferrer.

Samantala, pagkatapos ng three-night wake, Art was cremated last Thursday, August 3 ng 2 p.m. sa St. Peter Memorial Chapels – Commonwealth in Quezon City pagkatapos ng 8 a.m. mass sa Christ the King Parish in Greenmeadows, QC kung saan siya nakaburol sa loob ng tatlong gabi.

KD at Alexa pinagsasabay ang hilig

HALOS magkasabay na muling lumagda ng kontrata bilang Kapamilya (pa rin) ang rumored sweethearts na sina Alexa Ilacad at KD Estrada kamakailan lamang.

Natutuwa ang magka-loveteam na nariyan pa rin ang tiwala sa kania ng ABS-CBN bosses maging ng kanilang mga fans.

Although singing ang passion ng dalawa, acting will always be a part of them.

Ayon kay KD, although hindi naman nawawala sa kanya ang kanyang first love which is music, gusto umano niyang mag-focus sa kanyang acting career sa taong ito laluna’t nariyan si Alexa whom he shares his passion in both singing and acting with.

“Malaking bagay ang tiwala na ibinibigay sa amin ng management ng ABS-CBN and Star Magic,” ani KD na naging malapit kay Alexa nung pareho pa silang nasa loob ng Pinoy Big Brother kung saan na-develop ang kanilang pagiging magkaibigan at pagiging malapit sa isa’t isa.

When they were both evicted on the71st day sa PBB house, nagpatuloy ang pagiging magkaibigan ng dalawa lalupa’t meron silang common passion, ang singing and music.

Patuloy din si KD sa pagsusulat ng kanta sa kabila na sa direksyon ng acting sila napupunta ni Alexa.

“Kaya naman naming pagsabayin ang singing at acting,” aniya.

Sina KD at Alexa ay dalawa sa mga tampok na bituin ng tumatakbong serye na “Pira-Pirasong Paraiso” na joint project ng ABS-CBN at TV5.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE