Joey natuwa na babae ang unang apo kay Winwyn

January 8, 2022 Aster Amoyo 456 views

BABY girl ang ipinagbubuntis ngayon ng actress at dating beauty queen and “Nelia” star na si Winwyn Marquez sa kanyang non-showbiz boyfriend na hanggang ngayon ay ayaw pa rin niyang ipakilala.

It was during the grand presscon ng Metro Manila Film Festival movie na “Nelia” last December 18, 2021 na ginanap sa ballroom ng City of Dreams nang aminin ni Winwyn na siya’y nasa kanyang second trimester na ng pagbubuntis . Kasunod na rito ang gender reveal na ginanap sa Tierra Salva Lakeview Resort in Tanauan, Batangas kung saan naroon ang magkasintahan at pamilya ni Winwyn including her siblings and here estranged parents na sina Joey Marquez at Alma Moreno.

Tuwang-tuwa naman ang ama ng aktres na si Joey dahil girl ang kanyang magiging unang apo kay Winwyn.

Si Winwyn ang kauna-unahang Filipina and Asian beauty na tinanghal na Reina Hispanoamericana nung 2017.

TopacioAtty. Topacio hindi susuko kahit maraming problema

AYON sa lawyer-turned movie producer na si Atty. Ferdie Topacio na hindi na umano si Direk Lawrence Fajardo ang director ng true-to-life movie na “Mamasapano” dahil sa conflict ng kanyang schedule ngayon. Although si Direk Law ang nagsimula ng halos 50% ng pelikula nung isang taon, ito’y ipinagpapatuloy ng bagong director na si Direk Lester Dimaranan, ang director ng suspense-thriller movie na “Nelia” na pinagbidahan ni Winwyn Marquez at naging kalahok sa katatapos sa 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nagtapos last Friday, January 7, 2022.

Except for the cast ng “Mamasapano” na tinatampukan nina Edu Manzano, JC De Vera, Aljur Abrenica, Claudine Barretto, Ritz Azul, Myrtle Sarrosa, Allan Paule, Rey `Pj’ Abellana, Jojo Abellana, Gerald Santos at napakarami pang iba at ang writer na si Enrique `Eric’ Ramos, halos lahat ng bumubuo ng production staff ay napalitan mula sa director down the line.

Bilang baguhang producer, hindi ikinakaila ni Atty. Topacio na marami umanong birth pains pero marami rin umano siyang natututunan and this will not stop him from producing more films. Katunayan, his company Borracho Film Production co-produced the reunion movie of Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, ang “Deception” na pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan. Isa rin ang kanyang kumpanya sa co-producer ng Viva Films sa sexy-comedy movie na “Shoot! Shoot!” na dinirek ng actor-director na si Al Tantay at tinampukan nina Andrew E., Ejay Raval, Sunshine Guimary at Juliana Parizcova Segovia at ipinalabas sa Vivamax nung nakaraang October 2021.

Nung isang taon ay pinasok din ng Borracho ang pagpu-produce ng digital concert ng ex-PBB big winner-turned singer-actress na si Myrtle Sarrosa.

PauloMga love story sa set ng ‘Marry Me, Marry You’

MAGTATAPOS na sa January 21 (Friday) ang hit primetime drama romantic-comedy series na “Marry Me, Marry You” na tinatampukan nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez, Cherry Pie Picache, Vina Morales, Sunshine Dizon at Edu Manzano kasama sina Jake Ejercito, Teresa Loyzaga, Joko Diaz, Lito Pimentel, Jett Pangan at iba pa. Ito’y magkatulong na pinamamahalaan nina Devein Baltazar at Jojo Saguin under Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal. Although may dalawang linggo pang natitira, nakataramdam na ng sepanx (separation anxiety) ang bumubuo ng cast dahil nakabuo umano sila ng `pamilya’ habang ginagawa nila ang napakasayang serye.

Ang isang magandang pangyayari habang nasa lock-in taping ang buong cast at production staff, nabuo ang love story nina Edu at Cherrie Pie na masaya ngayon bilang magkasintahan.

Marami rin ang naniniwala na may nabuo ring espesyal na relasyon sa pagitan nina Paulo at Janine pero wala pang pag-amin na nagmumula sa dalawa.

Ang time slot na iiwan ng “Marry Me, Marry You” ay sasaluhin ng much-anticipated drama series na “The Broken Marriage Vow,” local adaptation ng hit British TV drama series na “Doctor Foster”. Ito’y tinatampukan nina Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez at Zaijian Jaranilla at marami pang iba.

JokoJoko nabigyan ng pangalawang pagkakataon

THANKFUL ang 45-year-old actor na si Joko Diaz na muling nabigyan ng second wind ang kanyang movie and TV career nang siya’y muling bumalik sa kanyang dating home studio, ang Viva Films kung saan din nakakontrata ngayon ang kanyang 17-year-old daughter, ang singer-actress na si Ashley Diaz.

It was only last November 2021 nang muling lumagda ng talent management contract si Joko with Viva at magmula noon ay tatlong pelikula kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya na ang dalawa ay ngayong January at February ipapalabas, ang “Siklo” at “Kinsenas, Katapusan”.

Nagsimulang gumandang muli ang acting career ni Joko nang mapasama siya sa hit afternoon TV series na “Kadenang Ginto” na agad nasundan ng “Sino ang May Sala? Mea Culpa” at “Walang Hanggang Paalam” at ang “Marry Me, Marry You” na malapit nang magtapos. Kasama rin siya sa cast ng upcoming TV series na “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series”.

Ang maganda kay Joko, puwede pa rin siyang magbida at maging kontrabida tulad ng kanyang yumaong ama, ang character actor na si Paquito Diaz maging ang kanyang yumaong uncle na si Romy Diaz.

Aminado rin ang actor na tuluy-tuloy ang kanyang pagiging modelong asawa at ama nang siya’y mag-asawa sa dating flight stewardess at ngayon ay nagtatrabaho sa Bureau of Immigration (BID) sa Batangas Port na si Abigail Diaz na kinu-consider ng actor na kanyang first love when he was 14. Although matagal naputol ang kanilang komunikasyon nang maging busy na ang actor sa kanyang career, muling nag-krus ang landas ng dalawa pagkalipas ng 21 years. This time ay hindi na pinakawalan ni Joko si Abby at sila’y nagpakasal. Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak, sina Ashley (17) at Pacquie (10). May isa ring anak na babae si Joko na si Nicole (his eldest) sa kanyang ex-girlfriend, ang aktres na si Angelu de Leon.

Kahit may sariling karera at schedule si Joko, siya pa rin ang tumatayong driver ng panganay na si Ashley lalupa’t sa Batangas City sila naka-base.

“Kapag may conflict na ang schedule naming dalawa, doon lamang namin siya (Ashley) kukunan ng sarili niyang driver,” pahayag ni Joko na bukas sa posibilidad na magkaroon ng manliligaw ang kanyang magandang teen-age daughter.

“Wala namang magiging problema sa amin ng misis ko basta lamang maging mabait at ma-respeto ang manliligaw sa anak ko,” ani Joko.

“Usapan din namin ni Ashley na hindi siya magpapabaya ng kanyang pag-aaral kahit pinasok na rin niya ang kanyang pag-aartista,” dugtong pa ng actor.

Samantala, palabas sa February 4, 2022 sa streaming app ng Viva, ang Vivamax ang launching movie ng sexy actress na si Ayanna Misola kung saan si Joko ang leading man, ang “Kinsenas, Katapusan” na pinamahalaan ni GB Sampedro. Ang nasabing pelikula ang magsisilbing comeback movie ng actor na si Kier Legaspi at first movie naman ng 2019 Miss Earth Philippines na si Janelle Tee. Kasama rin sa nasabing pelikula ang isa pang sexy actress na si Jamilla Obispo at si Angela Morena, pamangkin ng dating sexy star na si Lara Morena.

Pakikiramay kay Ruel

PERSONAL: My heartfelt condolences sa pamilya ng ating kaibigan at kasamahan sa panulat na si Ruel J. Mendoza sa pagpanaw ng kanyang mahal na inang si Gng. Dalisay Jusay-Mendoza na sumakabilang-buhay sa Amerika nung nakaraang Huwebes, January 6 sa edad na 80.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE