JM1 Donnalyn Bartolome at JM de Guzman

JM nagparamdam na gusto nang pakasalan si Donnalyn

February 23, 2024 Eugene E. Asis 110 views
JM2
JM kasama sina Paulo Avelino at Kim Chiu

WALA pang pag-amin na nanggagaling mula sa singer-actor na si JM de Guzman (35) at sa singer-songwriter, actress at popular vlogger na si Donnalyn Bartolome (30) pero marami ang naniniwala na may relasyon na ang dalawa. Ayon kay JM, 2022 pa niya sinimulang ligawan si Donnalyn.

At tulad sa pag-order sa isang fast food chain, ‘willing to wait’ daw si JM.

Sa isang IG picture post ni JM, makikita ang dalawa na dumalo sa isang kasalan kamakailan. May caption ito na “How I wish I see you walk down the aisle.” Ibig-sabihin, isang senyales o paramdam na gusto na niyang pakasalan si Donnalyn.

At his age, at sa takbo ng kanyang buhay ngayon, mukhang ready na si JM na magkaroon ng pamilya.

Kung matatandaan, naging seryosong girlfriend ni JM si Jessy Mendiola na happily married na ngayon sa TV host-actor, celebrity endorser at entrepreneur na si Luis Manzano at meron nang one-year-old daughter, si Isabella Rose.

Pagkatapos ng breakup kay Jessy, tila nadapa at nawalan ng direksyon ang buhay ni JM. Pero ilang taon lang ay muli siyang nakabangon. At dahil na rin sa kanyang husay bilang aktor, ngayon ay maaliwalas nang muli ang kanyang career. Katunayan nito ay ang kanyang magandang role sa seryeng ‘Linlang’ kasama sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

At sa nakikitang magandang ‘relasyon’ kay Donnalyn, mukhang tuluy-tuloy na rin ang pag-aliwalas ng kanyang buhay. Patungo na rin kaya sa altar?

AUTHOR PROFILE