Gordon

Ano ang Tagalog word na natatandaan ng Pinoy-Canadian actor na si Gordon Cormier?

February 23, 2024 Eugene E. Asis 399 views

Gordon1DUMALAW ng Pilipinas ang Filipino-Canadian actor Gordon Cormier para i-promote ang live-action adaptation ng ’Avatar: The Last Airbender’ na nagsimulang mapanood sa Netflix kahapon, February 22. Si Gordon ang gumaganap bilang Aang sa naturang series.

“So nice to be back home,” ang kanyang nasambit.

“It has been amazing. I’m back in my homeland… I haven’t been here because of COVID, so it’s really nice,” pahayag ng 14-year-old (going on 15 in October) actor.

Natutuwa ang young actor na makakita ng maraming Pilipino. “I got to see my family. It’s incredible.”

Filipina ang nanay ni Gordon na nagngangalang Genalyn Diez. Ang ama ni Gordon ay isang Canadian, si Gordon Comier, Sr.

Kumusta naman ang impresyon niya sa Pilipinas?

“It is very warm compared to Canada when I’m used to negative 20,” ani Gordon. “It’s really nice… It’s crazy people here speak better English than I do. So it is more than impressive.”

Marunong ba siyang mag-Tagalog?

“Just some words,” aniya. “The one I remember most was ‘pogi’ which my mom taught me.”

Samantala, sa press conference noong Miyerkoles sa BGC, sinabi ni Gordon 35 beses na pinanood ang animated series bago gawin ang live-action series.

Nang ipalabas ang original show sa Nickelodeon 19 taon na angn nakaraan, hindi pa ipinanganak si Gordon.

Naiyak daw sa tuwa si Gordon nang malaman na siya ang napili para sa naturang role.

AUTHOR PROFILE