Matteo at Sarah habang wala pang anak mga aso ang pinagkakaabalahan

February 23, 2024 Aster Amoyo 136 views

SarahCELEBRITY couple Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo celebrated their 4th wedding anniversary last February 20. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibiyaan ng anak ang mag-asawa.

While they’re both ready na magkaroon na ng anak, naniniwala ang mag-asawa na darating umano ang bagong blessing sa kanilang buhay in God’s perfect time. At habang wala pa silang baby, ini-enjoy ng couple ang ang isa’t isa bonding with each other laluna ang pamamasyal sa iba’t ibang lugar maging sa ibang bansa.

On their 4th wedding anniversary, hindi nakalimot ang Viva singer, actor, host at entrepreneur na batiin ang kanyang misis sa kanyang IG account.

“Happy 4th wedding anniversary my love!

4 years of “WOW!” Marriage is complete with all the emotions you’ll ever imagine. Learning and living life with you is magical and unexplainable. Wisdom and maturity is gained. Looking forward to many many more years, forever. I love you. Thank you for being you,” mensahe ni Matteo para sa kanyang wife of four years na si Sarah.

Habang wala pang anak, the couple enjoy being fur parents sa kanilang apat na aso.

Samantala, umaasa ang fans ng mag-asawa na magsasama ang dalawa sa isang back-to-back concert maging sa isang movie na silang dalawa ang mga pangunahing bida.

Matteo will be celebrating his 34th birthday sa susunod na buwan, March 26 at tiyak na may plano ito at ang wife niyang si Sarah G. kung paano nila ise-celebrate ang kanyang kaarawan.

Luis at Jessy muling nagpakasal

JessyJessy1CELEBRITY couple Luis Manzano and Jessy Mendiola celebrated their their wedding anniversary last Wednesday, February 21. But six days before ay muling nagpakasal ang dalawa, this time sa isang intimate church wedding last February 15 na ginanap sa Palawan with Fr. Tito Caluag officiating the wedding ceremony.

It was on February 21, 2021 nang ikasal ang dalawa sa pamamagitan ng civil garden wedding na ginanap sa The Farm in San Benito in Batangas attended by their respective families and close friends. On December 28, 2022, isinilang naman ni Jessy ang kanilang first baby ni Luis, ang super cute na si Isabella Rose na may palayaw na Baby Peanut at `mini-me’ ng kanyang paternal grandma, ang Star for All Seasons, award-winning actress at dating politician na si Vilma Santos-Recto.

Samantala, nagbahagi si Jessy sa kanyang IG account na kanyang mensahe para sa kanyang mister na si Luis Manzano after their church wedding.

“Marriage is not the end of the search for love. It’s the end of the search for the person to love. The search for ways to love that person has just begun,” aniya.

“I know I said this during our dream wedding last week, but I just wanted to share this again here.

“During our Pre-Cana with Father Tito, ang sabi natin hindi na tayo excited ikasal dahil kasal na tayo. Being together for almost 8 years and being married for three years have taught me so many things. One of them is that love is not always easy, and it it isn’t supposed to be easy all the time. You have to constantly work hard for it. And that’s okay. Today, I’m choosing to work harder for your love and happiness. Tulad nga ng sabi ni Father, do not chase excitement…mas importante ang desire. The desire to get married over and over again with that person you chose.

“God has given us our biggest blessing, our little Rosie. And I always say this, kayo lang…sapat na. I promise to love our family with all my being. I promise to always choose you over and over again even on our hardest days and I promise to protect our peace and happiness. I love you Peanut…And I love you, my howhow. Forever and always.

“Happy 3rd anniversary, my love. Thank you for always choosing to love me no matter what. I love you with all my heart. #JessGotLucky”

Ang mahabang mensahe ni Jessy para kay Luis ay sinagot din nito ng “I love you my wowow (heart emoji).”

JM seryoso kay Donnalyn

JMJM1VOCAL ang singer-actor na si JM de Guzman (35) sa kanyang pagkagusto sa Viva singer-songwriter, actress at popular vlogger na si Donnalyn Bartolome (30) na nagsimula niyang ligawan nung 2022 pa.

Although wala pang tahasang pag-amin na nagmumula sa dalawa sa estado ng kanilang relasyon, marami ang naniniwala na nasa ibang level na ang kanilang relasyon laluna nang makita ang dalawang magkasamang dumalo sa isang wedding recently at ang picture nilang dalawa ay naka-post sa IG account ng singer actor na may caption na “how I wish I see you walk down the aisle.”

At 35, mukhang ready na rin si JM na pasukin ang panibagong chapter ng kanyang buhay, ang pag-aasawa at pagkakaroon ng sarili niyang pamilya.

JM was in a relationship before with actress Jessy Mendiola who is now happily married with TV host-actor, celebrity endorser and entrepreneur na si Luis Manzano at meron na silang one-year-old cute daughter na si Isabella Rose.

Mukhang nakikita na rin ni JM ang kanyang sarili marrying Donnalyn someday.

McCoy at Elisse smooth-sailing pero wala pa ring kasal

MacoyMacoy1MUKHANG smooth sailing ang relasyon ngayon ng mag-partner na McCoy de Leon at Elisse Joson kasama ang kanilang two-year-old daughter na si Felize McKenzie matapos muling magkabalikan ang dalawa last year. Umaasa naman ang mga taong malapit sa dalawa na sana’y magpakasal ang rin ang couple lalupa’t meron na silang anak. Although quiet lamang si McCoy sa usaping ito, marahil ay nag-iipon pa sila ni Elisse para sa kanilang pagpapakasal balang araw.

Ang pag-iibigan nila McCoy at Elisse ay nagsimula sa loob ng PBB house nung 2016. Nagpatuloy ang kanilang relasyon nang lumabas na sila sa outside world pero marami ring pagsubok ang pinagdaanan ng kanilang relasyon and they broke off twice pero muling nagkabalikan.

McCoy is 29 at 28 naman si Elisse.

Kyla limang beses nakunan

SINGER-songwriter and occasional actress Kyla Alvarez has been married to her former cager husband na si Rich Alvarez since 2011 and they have a ten-year-old son na si Toby Elsiah.

In the couple’s recent guesting sa “Magandang Buhay,” inamin ni Kyla that she has had five miscarriages in the past na ang pinaka-recent ay nung nakaraang December lamang.

Inamin ng mag-asawa na gusto nilang bigyan ng kapatid ang kanilang kaisa-isang anak na si Toby pero hindi ito nagtagumpay. Nung 2018 ay dalawang beses nakunan si Kyla na sinundan nung 2021 and another one in 2022 and most recent ay nung nakaraang December lamang.

While they are blessed with one son, it would be a bonus kung sila’y mabibiyaan pa rin ng isa pang anak.

Thankful si Kyla sa pagkakaroon ng loving, caring, responsible and supportive husband at 13 taon na rin ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

The couple started dating in 2005 and got engaged nung February 2011. Months later ay magkasunod na nagpakasal ang dalawa, una sa civil wedding rites na sinundan ng kanilang church wedding nung November 2011. Two years later ay nabiyayaan naman sila ng kanilang anak na si Toby.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermaoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE