Dominic Roque

Kotse ni Dominic, ilang gabi nang spotted sa harap ng bahay ni Bea

February 22, 2024 Vinia Vivar 111 views

May posibilidad umano na magkabalikan sina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Ito ang sinabi ni Ogie Diaz sa kanyang latest vlog with Mama Loi and Jhegs.

“Feeling ko talaga, magkakasundo, magkakaayos, baka-sakaling magkabalikan itong si Bea at si Dominic,” sey ni Mama Ogs.

Pagbahahagi pa niya, ilang gabi na kasing nakikita ang car ni Dominic sa harap ng bahay ni Bea.

“Ilang gabi na raw na laging nandoon sa harap ng bahay ni Bea si Dominic. Andu’n lang ito sa kotse. ‘Iniintay ang pagdating ni Bea. Oo, nakasindi lang ‘yung kanyang makina (ng kotse). Andu’n lang siya, waiting,” sey ni Ogie.

Ito ay ayon umano sa kanyang source at naniniwala siya dahil ganito rin si Dominic noong time na nililigawan pa si Michelle Vito.

“Noong sila, pinipigilan pa noon, hindi pabor ang mommy ni Michelle Vito kay Dominic, ay, alas-singko ng umaga, bago mag-alas sais, andu’n sa tapat ng La Salle, naka-park lang si Dominic Roque, iniintay niya ang pagdating ni Michelle.

“’Yun ang ayon sa source ko, ha! Pwera na lang kung i-deny ito ni Dominic,” sey pa ng talent manager/vlogger.

Ikinatuwa rin niya na mukhang magkakaayos na sina Bea at Dom.

“Nakakatuwa. Sana, magkaayos sila,” sey pa niya.

AUTHOR PROFILE