JK

JK NAAKSIDENTE!

April 22, 2024 Vinia Vivar 62 views

Nagkaroon ng minor accident ang singer/actor na si JK Labajo nang mag-show siya sa Orani, Bataan base sa kanyang Instagram post.

Ibinahagi niya sa IG ang ilang pictures kung saan makikita ang ginawang pag-assist sa kanya ng ilang medics na nakaantabay sa venue.

Sa isang litrato ay makikitang may bandage ang kanyang kaliwang paa.

Sa caption ay idinaan na lang sa biro ng singer ang nangyari sa kanya.

“Isa sa mga pinaka energetic at pinakamagandang crowd na nakasama namin this year!

“Orani, talagang nahulog ako sa inyo! Sobrang saya! Hanggang sa muli! (heart, honeybee, bone emojis),” he wrote.

“Salamat sa ating mga kuya na medic (heart emoji),” sey pa niya.

Hindi na binanggit ng singer kung paano siya naaksidente pero sa comment section ay may mga nagsabing nahulog umano ito sa hagdan habang pabalik sa stage.

AUTHOR PROFILE