Kim

Kim nag-ala Marilyn Monroe

April 22, 2024 Vinia Vivar 51 views

Nag-post ng isang matinding quotation si Kim Chiu na tila sumasalamin sa kanyang nararamdaman ngayon.

Sa Instagram ay ipinost ng aktres ang famous quotation ni Marilyn Monroe na ganito ang nakasaad:

“I believe that everything happens for a reason. People change so that you can learn to let go, things go wrong so that you appreciate them when they’re right, you believe lies so you eventually learn to trust no one but yourself, and sometimes good things fall apart so better things can fall together.”

Aniya pa sa dulo, “Another year, another reason to make things right and just enjoy life itself!”

Sa comment section ay kinantiyawan siya ng kaibigang si Bela Padilla. Anito, “#KimKwotes.”

Sey naman ng aktres na si Ruby Ruiz na nakasama ni Kim sa Linlang, “Happiest birthday to one of the kindest & most giving person, love will find its way into your pure heart, take good care of it, i love you – Lola Pilar.”

Wish din ng kanyang fans na matagpuan na ni Kim si “Mr. Right” ng kanyang buhay.

Kamakailan lang ay ipinagdiwang ni Kimmy ang kanyang 34th birthday.

AUTHOR PROFILE