Maine

Maine dismayado sa bagong gupit

April 22, 2024 Vinia Vivar 67 views

Sising-sisi si Maine Mendoza na ipinagupit niya ang kanyang buhok sa ibang bansa.

Ipinost ni Maine sa kanyang TikTok account ang kanyang bagong short hair at sa caption ay ipinahayag niya ang kanyang pagkadismaya.

“When you are in a foreign country and you make a spontaneous decision to get a haircut at a well-known hair salon for the experience and spontaneity only to regret it later. Post ko pa din, for the occasional Tiktok content,” caption ni Maine.

Ipinost din niya ito sa kanyang X account (dating Twitter) at nag-reply siya sa isang netizen na nagkomento ng “ang iksi na ng hair mo!”

Sagot ni Maine, “Alam ko po iniyakan ko na nga diba.”

Pero marami naman ang nagpalakas ng loob niya at sinabing bagay naman sa kanya ang new haircut.

Narito ang ilan sa mga comment:

“Cute ka pa din kahit anong haircut.”

“Ganda pa rin namaaaaaaan!”

“It’s actually not that bad,it will quickly grow back… for a minute there I thought you had a pixie haircut.”

“luuhhh super ganda naman.”

“okay lang bagay parin sayo maganda ka parin Maine Cutie.”

AUTHOR PROFILE