Xian

Jennylyn balik-trabaho na

December 27, 2023 Aster Amoyo 199 views

SA darating na January 15, 2024 na matutunghayan ang unang tambalan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim sa isang romance drama series sa Kapuso network na pinamagatang “Love, Die, Repeat” na pinamahalaan ni Irene Villamor.

Ang nasabing serye ay nagsimulang mag-taping nung 2021 but was pushed back to earlier this year dahil sa pagbubuntis at panganganak ni Jennylyn sa kanilang first baby na si Dylan ng husband niyang Kapuso singer-actor na si Dennis Trillo.

Ngayong one year and eight months na si Dylan, back to work na rin si Jennylyn.

Ang kauna-unahan niyang proyekto ay ang kanyang nabinbin na TV series with Xian, ang “Love, Die, Repeat” na tinatampukan din nina Mike Tan, Valeen Montenegro, Ina Feleo, Malou de Guzman, Nonie Buencamino at iba pa. Ito rin bale ang first TV series ni Xian for 2024 but his second on GMA. Nauna rito ang “Hearts on Ice” with Ashley Ortega na pinamahalaan ni Dominic Zapata na ipinalabas mula March to June 2023. Taong 2020 naman ang huling serye ni Jennylyn, ang local adaptation ng Korean TV series na “Descendants of the Sun” with Dingdong Dantes.

Mga pelikulang dapat panoorin

VilmaChristianYandongShadenPioloFAKE ang lumabas na figures at ranking sa unang araw ng 2023 Metro Manila Film Festival na nagsimula nung araw ng Pasko at magtatapos sa darating na January 7, 2024. Ang official figures ay ilalalabas lamang ng MMFF officials days after ng huling araw on January 7, 2024. Although may report na nakukuha ang mga producer ng sampung pelikulang kalahok, hindi ito puwedeng ilabas. Pero base sa feedback at sa rami ng pila, mukhang malalakas sa takilya ang mga pelikulang “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, “Mallari” ni Piolo Pascual,” “Penduko” ni Matteo Guidicelli,” “Firefly” ni Alessandra de Rossi, “Family of Two (A Mother and Son Story” nina Sharon Cuneta at Alden Richards at kasunod na rito ang anim na iba pang pelikula tulad ng “When I Met You In Tokyo” na balik-tambalan nina Vilma Santos at Christopher de Leon, “Kampon” nina Derek Ramsay and Beauty Gonzalez, “Becky and Badette” nina Eugene Domingo and Pokwang,” “GomBurZa” nina Dante Rivero, Cedrick Juan at Enchong Dee at “Broken Heart’s Trip” ni Christian Bables, not necessarily in that order.

Ang nakakalungkot lamang sa MMFF, ang mga pelikulang mahina sa takilya ay mababawasan ng mga sinehan at idadagdag sa mga pelikulang malalakas kaya wala nang pag-asang makabawi pa ang ibang pelikulang kalahok hanggang sa pagtatapos ng filmfest.

Dalawa sa sampung entries ay parehong first timer as film producers, ang JG Productions na siyang producers ng “When I Met You In Tokyo” at ang BMC Productions & Smart Productions na siya namang producers ng “Broken Hearts Trip” at nangakong hindi umano ito ang kanilang magiging una’t huling pagpu-produce.

Mga artistang kasali si MMFF masipag mag-promote

KAPANSIN-PANSIN ang pagiging masipag mag-promote ng ilang stars ng mga pelikulang kalahok sa ongoing Metro Manila Film Festival tulad ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng “Rewind” na nagtungo pa ng Cebu to promote their reunion movie. Masipag ding mag-promote sina Vilma Santos at Christopher de Leon ng “When I Met You in Tokyo” ganundin sina Sharon Cuneta at Alden Richards ng “Family of Two (A Mother and Son Story)”. Hindi rin nagpahuli si Piolo Pascual ng “Mallari” maging si Christian Bables ng “Broken Hearts Trip”. Maging nung opening day ng December 25, araw ng Pasko ay nag-theater tour ang mga lead stars ng kanilang respective movies.

May tig-dalawang pelikula sina Piolo at Dingdong sa ongoing MMFF. Bukod sa “Mallari” kung saan si Piolo ang pangunahing bida, may magandang role din siyang ginampanan sa historical movie na “GomBurZa” na pinamahalaan ni Pepe Diokno habang si Dingdong ay may special participation din sa “Firefly” nina Alessandra de Rossi at ang child actor na si Euwenn Mikaell directed by Zig Dulay na jointly produced ng GMA Pictures and GMA Public Affairs. Si Dingdong at misis niyang si Marian Rivera ay siyang lead stars ng pelikulang “Rewind” na siya diumanong nangunguna ngayon sa takilya.

Ang “Mallari” at “GomBurza” maging ang “Rewind” at “Firefly” ay apat sa mga pelikulang dapat hindi palampasin ng mga manonood.

MMFF movies mapapanood din sa Amerika

WE had dinner with neophyte film producer, ang US-based businessman na si Benjamin `Benjie’ Manansala Cabrera ng BMC Film Productions the other night. Ang kanyang kumpanya ang producer ng pelikulang “Broken Hearts Trip” ni Christian Bables which he co-produced with Smart Productions.

Hindi ikinakaila ni Benjie na isa umanong malaking karangalan ang mapasama ang pelikulang “Broken Hearts Trip” sa ongoing 49th Metro Manila Film Festival na siyang dahilan kung bakit siya lumipad ng Maynila where he was able to witness the final presscon ng kanyang pelikula. Nakadalo rin siya sa launch ng MMFF sa MMDA Auditorium, sa Parada ng mga Artista nung December 16 maging sa Gabi ng Parangal ngayong December 27 sa New Frontier Theater at kinabukasan, December 28 ay babalik na siya ng Los Angeles, California, USA kung saan siya naka-base para doon magdiwang ng bagong taon at para na rin paghandaan ang nalalapit na Manila International Film Festival In L.A. on January 29 to February 2, 2024.

Ang inaugural MIFF in Los Angeles, California, USA ay gaganapin sa TCL Chinese Theatres at sa Directors Guild of America.

Inaasahan ang pagdalo ng mga lead stars, directors and producers ng sampung kalahok ng Metro Manila Film Festival movies sa Pilipinas para sa kauna-unahang Manila International Film Festival for the week-long filmfest.

Inaasahan naman ng pagdagsa sa TCL Chinese Theatre and Directors Guild of America in Los Angeles ng ating mga kababayan na magmumula sa iba’t ibang state ng Amerika laluna sa mga karatig lugar ng L.A. na bahagi ng West Coast.

Sa opening day on January 29, 2024 (Monday), ang pelikulang “When I met You In Tokyo” nina Vilma Santos at Christopher de Leon ang unang maipapalabas from 3 p.m. to 5 p.m. na susundan ng “Family of Two (A Mother and Son Story)” nina Sharon Cuneta at Alden Richards from 4 p.m. to 6 p.m. na susundan ng “Mallari” at 7:25 p.m. to 9:58 p.m. at pang-apat ang “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera t 8:35 p.m. to 10:45 p.m.

From 7 p.m. to 10 p.m. ay magkakaroon ng VIP reception.

Sa ikalawang gabi on January 30, Tuesday ay mapapanood naman ang pelikulang “GomBurZa” from 3 p.m. to 4:44 p.m. na susundan ng “Penduko” from 4:30 p.m. to 6:19 p.m. Ang pelikulang “Firely” ay matutunghayan naman from 5:55 p.m. to 7:755 p.m. na susundan ng”Broken Heart’s Trip” from 7:25 p.m. to 9:32 p.m., “K(ampon) nina Derek Ramsay at Beauty Gonzales at 8:55 p.m. to 10:42 p.m. habang magpapalit naman ng ibang oras sa mga succeeding days ang sampung pelikuylang kalahok sa MIFF.

Although hindi pa kami kumpleto sa detalye, magkakaroon din umano ng sariling Awards Night ang Manila International Film Festival.

This early ay tuwang-tuwa ang ating mga kababayan sa Amerika dahil magkakaroon na sila ng pagkakataong mapanood sa big screen ang mga pelikulang kalahok sa tumatakbong Metro Manila Film Festival na inaasahang magtutuluy-tuloy sa mga susunod pang mga taon.

Ang Manina International Film Festial ay pinamumunuan ng president ng MIFF na si Ebradu Ubarde with Chairman Ortiz and executive producer Lisa Lew.

Ang formal launch ng MIFF last November in Los Angeles, California ay dinaluhan ng mga Filipino actors based in the US and the Philippines at kasama na rito sina Romnick Sarmenta, Kaladkaren, Eisel Soriano, ang mga filmmakers na sina Jun Robles Lana, Perci Intalan at JP Habac. Naroon din ang Metro Manila Film Festival chairman na si Atty. Romando Artes, Executive Director Atty. Rochelle Ona at iba pang officials.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

Eugene
Film producer Benjamin M. Cabrera (second from left) with this columnist (second from right) and entertainment editors, Eugene Asis and Joey Sarmiento

AUTHOR PROFILE