Jennica

Jennica hiwalay na kay Alwyn, mag-isang binubuhay ang mga anak

February 8, 2023 Aster Amoyo 505 views

Jennica1INAKALA ng marami na nagkabalikan ang (dating) mag-asawang Jennica Garcia (33) at Alwyn Uytingco (34) matapos ang kanilang break-up in 2021. Pero sa isang recent interview sa actress ay inamin nito that they’re no longer a couple sa kabila ng pagkakaroon nila ng dalawang anak na parehong babae na sina Athena Mori at Alexis Severina.

The former couple got married in a secret Christian wedding nung February 12, 2014 pero hindi na nila masi-celebrate ang kanilang 9th wedding anniversary dahil dalawang taon na silang hiwalay.

Si Jennica ay anak ng seasoned actress na si Jean Garcia at dating actor na si Jigo Garcia.

Natutuwa si Jennica na nabibigyan siya ng panibagong pagkakataon sa kanyang acting career nang siya’y mapasama sa hit primetime TV series na “Dirty Linen” ng ABS-CBN.

Ayon sa actress, kung hindi siya nabigyang muli ng bagong acting job ay balak niyang mangibang-bansa para makapag-ipon for her two daughters’ future.

Tulad ng kanyang mom na si Jean, Jennica is now a single mom to her two kids.

Dolly nag-pictorial sa CR kasama si Cate Blanchett

DollyDolly1Dolly2Dolly3Dolluy4HINDING-hindi makakalimutan ng veteran actress na si Dolly de Leon ang kanyang chance encounter with Hollywood award-winning actress, ang Australian-American na si Cate Blanchett sa loob ng isang rest room kung saan ginanap ang 48th Los Angeles Films Critics Association Awards in Los Angeles, California.

Sina Cate at Dolly ang ginawarang Best Actress at Best Supporting Actress respectively ng LAFCA– “Tar” for Cate at “Triangle of Sadness” for Dolly which brought her several international wins and nominations as Best Supporting Actress including The Golden Globe Awards and The British Academy Film Awards na unang beses nangyari sa isang Filipino actress.

Hindi ikinakaila ni Dolly na na-starstruck siya nang personal silang magkita ni Cate sa loob ng CR. Dolly’s American agent was quick na makunan ng picture ang dalawang award-winning actresses sa loob mismo ng CR.

Since may American agent n asi Dolly, hindi kataka-taka na maging sunud-sunod na ang international projects nito. May balitang may follow-up project na umano ang seasoned actress after “Triangle of Sadness” na magsisimula ngayong Marso.

Samantala, maraming followers ng “Dirty Line” TV drama series ang nalungkot na agad namatay ang character ni Dolly sa nasabing serye. Ito’y dahil na rin siguro sa kanyang pagiging abala sa kanyang bagong Hollywood career at kabi-kabilang global acting nominations and wins.

Kathleen ikakasal uli at 41

KathleenNAKATAKDANG ikasal ang nakatatandang kapatid ni Kristine Hermosa na si Kathleen Hermosa (41, now annulled from her previous marriage) sa kanyang non-showbiz fiancé (from Cebu) na si Miko Santos sa June 2023 making her a June bride.

If her younger sister Kristine and husband Oyo Sotto are blessed with five children, umaasa si Kathleen na mabibiyayaan din sila ni Miko ng anak.

The couple maintains a long distance relationship dahil sa Cebu naka-base si Miko habang sa Maynila naman si Kathleen where her work as an actress is.

Wala pang ibinabahagi ang engaged couple na detalye sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib at kung sa Cebu na rin magbi-base ang aktres tulad nina Donna Cruz, Kaye Abad at ang ex-wife ng actor na si Paolo Contis na si Lian Paz.

Katarina nanganak na

KatarinaFORMER Miss World Philippines (2018) and 2017 Bb. Pilipinas Intercontinenal and 2017 Miss Intercontinental 1st runner-up and occasional actress Katarina Rodriguez has just given birth to her second child with longtime partner, businessman Nino Barbers last February 6 , a baby girl they named Clara Amal. The couple’s eldest child, Quino was born August 2021 and is now two years old.

The family of four is now based in Siargao where Nino runs their own resort in the island kung saan din naka-base ang aktres na si Andi Eigenmann with her family maging ang nobyo ni Nadine Lustre, ang French businessman na si Christopher Bariou.

Herlene Nicole iniligtas ng manager sa Uganda horrific experience

HarleneHarlene1HINDI makakalimutan ng host, actress-comedienne, vlogger at beauty queen na si Herlene Nicole Budol na mas kilala as `Hipon Girl’ ang naging traumatic experience sa Uganda bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Planet International.

First time umano ng organizer na ganapin ang nasabing international beauty pageant sa nasabing bansa.

Nagpapasalamat si Herlene na kasama niya at ng kanyang team ang kanyang manager, ang entrepreneur and beauty pageant producer and vlogger na si Wilbert Tolentino dahil kung hindi ay baka hindi umano siya nakabalik ng Pilipinas.

Napaka-disorganized umano ng nasabing pageant dahil ang hotel na kanilang tinuluyan ay hindi umano binayaran ng organizer at wala rin umano silang pagkain. Nagmukha umano silang kawawa pati ibang candidates. Mabuti na lamang daw at si Wilbert ay tumira sa isang apartment at doon lumipat si Herlene at kanyang team. Pero nung akmang aalis sila ng hotel ay tinutukan umano siya ng rifle at pinagbabayad sila. Sa halip na organizer ang habulin ay ang pobreng candidates ang nag-suffer.

Si Wilbert umano ang gumawa ng paraan na makaalis si Herlene sa hotel at makabalik ng Pilipinas.

“Pumunta kami ng Uganda in good faith para i-represent ang Pilipinas at walang mag-aakala na ganun pala ang mangyayari sa amin,” paglalahad ni Herlene na nagka-trauma dahil dito.

Sobra ang pasasalamat ni Herlene sa kanyang manager na si Wilbert dahil hindi ito nagpabaya sa kanya at sa kanyang team.

Sinabi ng Kapuso actress na si Wilbert umano ang nagkumbinse sa kanya na sumali sa Bb. Pilipinas pageant nung isang taon at binigyan pa umano siya nito ng house and lot para lamang pumayag.

“Siya lamang ang tanging naniwala sa akin na pwede akong sumali sa Bb. Pilipinas kasi ako mismo ay walang tiwala sa aking sarili,” pagtatapat pa ng actress-comedienne.

“Siya (Wilbert) lamang ang tanging manager na hindi ako kinakaltasan ng commission unlike yung agent ko dati na lahat ng kinita ko ay tinangay,” patuloy niya.

“Sobrang malaki ang utang na loob ko sa manager ko. Nang dahil sa kanya, may sarili na kamingbahay at lupa kung saan nakatira ang lolo ko, father ko and his girlfriend at iba kong mga kaanak,” aniya.

Hindi rin makakalimutan ni Herlene na bago pa man siya tinanghal ng 1st runner up sa 2022 Bb. Pilipinas ay kinuha na siyang brand ambassador ng Black Water, isa sa prime product line ng Ever Bilena. And during the coronation night ay pito pang special awards ang kanyang napanalunan.

“Sobra po ang pasasalamat ko sa Diyos, sa manager ko at sa lahat ng mga taong naniniwala sa akin,” aniya.

AUTHOR PROFILE