Iza balik trabaho matapos manganak

September 30, 2023 Aster Amoyo 189 views

BACK in shape ang Kapamilya actress na si Iza Calzado-Wintle nang Makita naming sa 57th birthday at 50th anniversary celebration ni Sen. Bong Revilla, Jr. last Monday, September 25, 2023 sa grand ballroom ng Okada Manila.

Iza, who turned 41 last August 12, is now a proud mom to a beautiful 8- month old baby na si Deia Amihan, unang supling nila ng kanyang husband of almost five years, ang Filipino-British businessman na si Ben Wintle. Ang couple ay ikinasal sa isang intimate beach wedding in Coron, Palawan nung December 19, 2018 and it took them almost five years bago nabiyayaan ng first child.

Last Mother’s Day, it was Iza’s first celebration as a full-fledged mom at hindi nito ikinakaila na nag-iba umano ang kanyang pananaw sa buhay nang siya’y maging isang ina.

Although eight months old pa lamang si Baby Deia, balik-acting na si Iza sa pamamagitan ng “Shake, Rattle & Roll Extreme” movie ng Regal Entertainment na inaasahang makakasali sa darating na 2023 Metro Manila Film Festival.

Grateful ang actress sa film producer nasi Roselle Monteverde that she was cast in the horror franchise na ang tatlong episode ay magkakahiwalay na pinamahalaan nina Jerrold Tarog, Joey de Guzman at Richard Somes. Ang nasabing horror trilogy movie ay tinatampukan din nina Jane de Leon, Jane Oineza, Paolo Gumabao, RK Bagatsing, AC Bonifacio, among others.

Samantala, magiging kakaiba ang celebration ng mag-asawang Ben at Iza ng nalalapit na Christmas holidays dahil isa na silang ganap na pamilya sa pagdating ni Baby Deia sa kanilang buhay.

Nanghihinayang lamang si Iza na hindi na inabutan ng kanyang parents ang kanilang unang apo sa kanya.

Direk Joel may itinago sa buhay bago namatay ang lola

PicVETERAN actor and award-winning director Joel Lamangan admits na isa umano siyang bastardo, mag-isang anak sa kanyang namayapang ama na nagkaroon umano ng apat na pamilya nung ito’y nabubuhay pa. Meron umano siyang 16 na kapatid sa father side.

Since mag-isa siyang anak ng kanyang late parents, lumaki umano siya sa pangangalaga ng kanyang paternal grandparents.

Since he was a kid, pinangarap umano niyang maging isang artista at ito’y naisakatuparan nang siya’y maging bahagi ng PETA (Philippine Educational Theater Association) when he was already in college. Sa PETA rin umano siya nakapag-workshop hindi lamang in acting kundi maging sa script writing and directing. Na-inspire siyang mag-direct sa tulong ng kanyang mga mentor tulad ng mga yumaong award-winning filmmakers na sina Lino Brocka, Marilou Diaz-Abaya, Mario O’Hara, Maryo J. de los Reyes, Eddie Romero at iba pa. Bilang actor sa pelikula, kadalasan ay kasama siya sa isang ensemble o mga bit roles lamang ang kanyang ginampanan at ang una niyang major role ay bilang sidekick ng dramatic action star na si Phillip Salvador sa pelikulang “Kumander Dante” in 1988 na dinirek ng film producer at director na si Ben Yalung who later discovered that he was gay.

“Sa PETA pa lamang ay nag-out na ako,” ani Direk Joel.

Pero itinago umano niya ito sa kanyang grandparents.

Ayon kay Direk Joel, bago sumakabilang-buhay ang kanyang lola ay sinabi nito sa kanya na siya’y binabae at pinagbilinang mag-ingat sa kanyang sarili.

During the Martial Law ay dalawang beses nakulong at na-torture si Direk Joel dahil isa siyang aktibista. Two years nung 1973 and another two years in 1977. While in prison, marami umano siyang discoveries, realization at iba’t ibang experiences na pinaghuhugutan niya bilang isang actor at director. Although may apat na taon din siyang sinayang sa loob ng kulungan, wala umano siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa bilang isang aktibista.

“It made me tougher and stronger as a person,” aniya.

His film directorial job happened in 1991 nang kanyang idirek ang “Darna” version na pinagbidahan ni Nanette Medved under Viva Films at dito umano nagsimula at naging sunud-sunod ang pamamahala niya ng pelikula sa ilalim ng Viva Films na pawang box office at award-winning movies.

After doing ten films sa Viva, nagpaalam umano siya kay Boss Vic del Rosario ng Viva para gumawa ng pelikula sa bakuran ng Regal Films at ginawa niya ang “Mano Po”. Matagal umano siyang hindi kinibo ni Boss Vic lalupa’t ito ang nagbigay sa kanya ng break bilang isang film director at pinagkatiwalaan ng sunud-sunod na pelikula. But years later ay muli siyang bumalik sa Viva.

The earlier movies that gave him best director recognitions include “The Flod Contemplacion Story,” “Deathrow,” “Hubog,” “Aishte Imasu 1941,” “Blue Moon,” “Mano Po” at marami pang iba.

Kilala si Direk Joel bilang strict director at sa pagiging punctual. Pero bawat artista ay nagnanais na siya’y makatrabaho bilang director.

“I have so much respect sa mga artistang mahuhusay sa kanilang craft, professional at punctual,” aniya.

“Kapag 9 a.m. ang call time, I expect them to be on the set before 9 a.m. laluna na ang mga babae na marami pang preparasyon ang kailangan including pagmi-make-up,” pahayag ni Direk Joel.

Samantala, nagpapasalamat umano siya sa actor-director at producer na si Coco Martin sa pagkakataong maisama sa tumatakbo nitong hit action-drama TV series, ang “FPJ’s Batang Quiapo” kung saan siya gumaganap na walang pusong landlord na si Madam Rhoda. Markado ang kanyang role at marami ang naaaliw at nagagalit sa kanyang ginagampanang character.

There was a time na dinunggol umano siya ng payong ng isang lola dahil galit ito kay Madam Rhoda at ipinaliwanag niya sa matanda na role lamang yun at hindi umano siya ganoon sa totoong buhay.

There was also a time na pinagbabato umano ng mga bata ang kanyang sasakyan at tinatawag siyang Rhoda ng mga ito.

“Pinagsabihan ko ang mga bata,” aniya.

“Of course, on the side, natutuwa ako dahil nabibigyan ko ng hustisya `yung role na ipinagkatiwala sa akin ni Coco kung pagbabasehan ko ang reaction ng mga tao. Isang mahusay na director at storyteller si Coco. Ang akala ko nga ay mamamatay na ang character ko dahil pinagsasaksak ako sa isang eksena, pero hindi pa pala,” natatawa niyang kuwento.

Samantala, patuloy na nananawagan si Direk Joel sa pamahalaan na sana’y tulungan nito ang naghihingalong industriya ng pelikulang Pilipino tulad ng South Korea at iba pang bansa na suportado ang industriya ng kanilang gobyerno. Patuloy ding siyang umaasa na sana’y dumating ang panahon na mabalik na sa dati ang panonood ng mga tao ng pelikulang Pilipino sa mga sinehan.

Labindalawang pelikula mag-aagawan sa natitirang apat na slots sa MMFF2023

NoraVilmaMaricelSharonNAGING tradisyon na ng taunang Metro Manila Film Festival ang pumili ng Top 4 film entries na naka-base lamang sa submitted script habang ang natitirang apat pang entries na bubuo ng Top 8 ay inihahayag after the submission ng mga finished films na ang deadline ay kahapon, September 29.

Bakit kaya hindi baguhin ang patakaran ng MMFF screening committee na lahat ng mapipiling official entries ay dapat base sa finished products nang maging fair naman sa mga producer?

For the 2023 MMFF, naihayag na ang Top 4 kaya apat na pelikula na lamang ang kakailanganin to complete na 8 offficial entries. Since apat na lamang ang kailangan tiyak na laglag ang ibang entries kahit magaganda ang mga ito. Inaasahan na papasok ang magkakahiwalay na entries nina Nora Aunor, Vilma Santos at Maricel Soriano. Other probable entries include that of Piolo Pascual, Gloria Diaz, Lotlot de Leon, Nadine Lustre at iba pa.

This coming week ay malalaman ang four other official entries to complete the Top 8. Kasama kaya rito ang “Pieta” na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Alfred Vargas kasama sina Gina Alajr, Bembol Roco, Jaclyn Jose at Ina Raymundo na pinamahalaan ni Adolf Alix, Jr.? Nariyan din ang “When I Met You In Tokyo” na reunion movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon kasama sina Tirso Cruz III, Darren Espanto at Cassy Legaspi at dinirek nina Rado Peru at Rommel Penesa. Nariyan din ang “In His Mother’s Eyes” na tinatampukan ng magkaibigang Maricel Soriano at Roderick Paulate at L.A. Santos at dinirek ni FM Reyes. Ang isa pang magandang pelikula ay ang “Ang Ina Mo” nina Lotlot de Leon, Charlie Dizon at Rico Barrera na pinamahalaan ni Joel Lamangan. Si Direk Joel Lamangan din ang director ng “Lola Magdalena” kung saan tampok na mga bituin sina Gloria Diaz, Sunshine Cruz, Liza Lorena, Perla Bautista at Pia Moran. May probable entry rin ang mag-inang Maricel Laxa at Donny Pangilinan, ang “Good Name” kung saan din kasama sina Baron Geisler, Igi Boy Flores at pinamahalaan ni Prime Crisologo Cruz.

Isa rin sa umaasang makakapasok ang pelikulang “Shake, Rattle & Roll Extreme,” isang trilogy movie kung saan tampok sina Iza Calzado, Jane de leon, Jane Oineza, RF Bagatsing, Paul Salas at iba pa na pinamahalaan nina Jerrold Tarog, Joey de Guzman at Richard Somes.

Ang iba pang movies na umaasang makakapasok sa 2023 MMFF ay ang “Nokturno” na kung saan pangunahing bituin si Nadine Lustre kasama sina Wilbert Ross, JJ Quilantang at Eula Valdez na dinirek ni Mikhail Red. Nariyan din ang “Gomburza, The Movie” na pinagbibidahan nina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee kasama si Piolo Pascual at pinamahalaan ni Pepe Diokno.

Other probable entries include “Selda Tres” na pinamahalaan ni GB Sampedro at kung saan tampok sina Cesar Montano, JM de Guzman at Carla Abellana at ang isa pa ay ang “Unspoken Letters” na dinirek nina Mario Alaman at Paolo Berto at tinatampukan nina Tonton Gutierrez, Gladys Reyes, Glydel Mercado, Simon Ibarra, Daria Ramirez, Matet de Leon at Jhassy Busran.

Out of the 12 in the line-up, apat lamang ang papalarin na makapasok sa remaining Top 4.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE