Ellen

IUD, balak ipatanggal ni Ellen para magka-baby kay Derek

August 25, 2022 Vinia Vivar 303 views

Wala nang planong bumalik sa showbiz si Ellen Adarna.

Ayon sa kanyang latest interview kay MJ Felipe, bukod sa priority niya ang anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias, eh, may plano na silang magka-baby ng asawang si Derek Ramsay.

Nang nanganak siya kay Elias ay nagpalagay siya ng IUD para hindi siya mabuntis at ngayon ay balak na niya itong ipatanggal.

“I have to have it removed during my period. Only when I have my period. Timing, every time I have my period, I’m traveling or there’s work. Parang wala pa. Next month, I have to take care of him or something. Depende sa timing, kung may timing lang talaga patanggal ko na,” sabi ni Ellen.

“He’s a dragon. I am a dragon. And if I give birth in 2024, that’s a dragon. Sa Intsik, wala nang mas susuwerte pa if you have three dragons in your house,” dagdag pa ni Ellen.

Tungkol naman sa ama ni Elias na si John Lloyd, ayon kay Ellen ay co-parenting pa rin sila.

“We co-parent. Not naman half of the time, because, of course, most of the time he’s with me. But in a month, he has 13 days with him. He should have good relationship with him,” sey niya.

DINUMOG!

Naging mainit na pagtanggap ng mga Dabawenyo kina Alden Richards at Ruru Madrid sa katatapos na Kadayawan Festival.

Dinala ng GMA Regional TV ang mga bida ng top-rating show na Lolong at upcoming TV series na Start-Up PH bilang partisipasyon ng GMA sa Kadayawan Festival.

Kasama ni Ruru sina Shaira Diaz, Arra San Agustin at Rochelle Pangilinan sa isang jampacked Kapuso Mall Show sa Atrium ng Gaisano Grand Citygate Mall nitong Sabado.

Nagpakilig naman nang husto sina Alden at Jeric Gonzales sa Start-Up PH Kapuso Fans Day sa Vista Mall Davao noong Linggo.

Sumakay din sa GMA float ang Lolong at Start-Up PH stars noong Linggo bilang pakikiisa sa Pamulak sa Kadayawan Float Parade.

Marami ang nag-chant ng “Lolong” at “Atubaw” habang dumaraan ang float nina Ruru.

’Di naman magkandamayaw ang mga Dabawenyo nang masilayan si “Good Boy” Alden.

This weekend, tutulak naman pa-Cagayan de Oro City ang stars ng inaabangang seryeng Voltes V Legacy para sa pagdiriwang ng Higalaay Festival.

Abangan sina Martin del Rosario, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano at Raphael Landicho sa Centrio Ayala Mall, Cagayan de Oro City ngayong Biyernes, August 26, 4 p.m.

AUTHOR PROFILE