Issa Issa Pressman

Issa natakot lumantad bilang girlfriend ni James dahil kay Nadine

February 8, 2024 Eugene E. Asis 266 views
James
James Reid
Nadine
Nadine Lustre

NAKAUSAP namin si Issa Pressman, nakababatang kapatid ni Yassi Pressman, sa celebrity red carpet premiere ng “Lisa Frankenstein” noong isang gabi sa SM Aura Cinema 1. Ito ay bilang suporta kay Liza Soberano, na isa sa lead cast ng naturang pelikula, at isa sa talent ng management company na kinabibilangan ng boyfriend ni Issa na si James Reid.

Natanong namin si Issa kung kumusta na ang relasyon nila ni James, “We’re good. Smooth and steady.”

Ano ang sikreto?

Ayon kay Isa, si James ay isang “good partner” dahil napatunayan niya kung hanggang saan siya kayang ipagtanggol ng actor-singer at record producer. Inalala pa ni Issa ‘yung time na bina-bash sila ni James matapos umamin sa kanilang relasyon.

Siya kasi ang sinisisi ng fans kung bakit naghiwalay sina James at Nadine Lustre. “Nakakatakot before. It feels relieving. At least ngayon nakakahinga na ako. It was quite tough, it was really rough. Now I just feel that there is more love around,” pahayag ni Issa. “Ang galing niya mag-support. I don’t think I’d be able to get through all of these if not for him, the support, security that he’s able to give.

“Not everyone knows but he’s very, very wise. The words that he gives to me are fulfilling. You feel secure, you feel safe,” sabi pa ni Issa tungkol kay James.

Hindi rin daw siya masyadong pumapatol at nagpapaapekto sa mga haters sa socmed, “I don’t put my energy into that. “I cannot control them naman di ba? I cannot control how they speak or what they want to say. But what I can control is how I accept those things,” dagdag pa ni Issa.

Nag-comment din siya sa mga malisyosong tsismis tungkol kina Liza at James, “Hindi kasi ako ma-online sa mga chismis or stuff like that. Narinig ko na lang afterwards na nali-link pala sila before. You know naman showbiz nali-link sila to everyone,” sabi ng dalaga.

At sa tanong kung napag-uusapan na nila ang James ang pagpapakasal, “Wala pa kasi I’m 26 and we discussed together na we’re building like a good foundation with each other. And we want to go through like all the experiences, step by step,” aniya pa.

Para kay Issa, ang ideal marrying age ay 30.

Kasama ni James ang kanyang ina at natanong namin kung boto siya kay Issa para sa anak. Mabilis na ‘oo’ aang sagot ni Mrs. Reid.

Samantala, wala sa plano ni Issa ang sumabak sa acting, mas gusto raw niya ang “producing, art and creative direction”.

“I’m actually developing something that I’m launching soon. Pero I’m not gonna give that out pa muna. I’ve been working on it,” dagdag ni Issa.

Samantala, showing na ngayon sa mga sinehan ang first Hollywood movie ni Liza Soberano na “Lisa Frankenstein” mula sa Universal Studios. Kasama rin ni Liza sa movie ang mga international stars na sina Kathryn Newton at Cole Sprouse. This is directed by Zelda Williams, na tulad ni Liza ay part Filipino at anak ng yumaong actor-comedian na si Robin Williams .

Enrique pinatunayan na sila pa rin ni Liza

Enrique

Enrique1
Enrique Gil
Liza
Liza Soberano

SAMANTALA, dumalo sa red carpet premiere might ng ‘Lisa Frankenstein’ si Enrique Gil bilang suporta kay Liza Soberano.

Bagama’t nalathala na noon na break na sila ni Liza, iba ang nakikita ngayon ng mga tao.

Ayon kay Enrique, sila pa rin daw ni Liza at nagkataon lang na sobrang busy sila sa kanilang respective career, lalo na ang aktres na napakaganda ng role sa kanyang first Hollywood movie.

Natapos naman ni Enrique ang pelikulang ‘I Am Not Big Bird’ na isang comedy, at magiging busy pa siya sa mga susunod na araw.

AUTHOR PROFILE