Richard

‘Iron Heart,’ malayo sa ‘Probinsyano’ — Richard

November 6, 2022 Vinia Vivar 443 views

Matinding preparasyon pala ang ginawa ni Richard Gutierrez para sa kanyang bagong action-packed series sa ABS-CBN na The Iron Heart. Months before the filming ay pinaghandaan na niya ito nang husto.

“Preparation wise, ‘yun nga, it took us months before filming so I had really a lot of time to prepare physically, mentally,” pahayag ni Richard sa grand media conference ng The Iron Heart last Saturday sa ABS-CBN Dolphy Theater.

“Entering a new show like this, entering a new show like this, alam kong magiging physically demanding siya and mentally demanding, so I always try to enter like this na kung baga, fully prepared,” he added.

“Naka-mindset ako, prepared ang katawan ko, prepared ang utak ko,” aniya.

Siyempre, ang talagang isa sa mga pinaghandaan niya physically ay ang madudugong action scenes at kitang-kita naman ito sa teaser pa lang.

Huling napanood si Richard sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya natanong din ang aktor kung paano niya ba ito maikukumpara sa kanyang serye when it comes to the action scenes.

“Yes, coming from Ang Probinsyano and then, nang ginagawa namin itong Iron Heart, we really wanted to shift away from Ang Probinsyano especially ‘yung character ko.

“Well malayo naman talaga, kasi sa Ang Probinsyano, parang naging villain ako du’n and ‘yung Probinsyano kasi, parang very classic ang approach nila sa action. And most of their action scenes are gun fights.

“And hindi ko masyadong naipakita rin ‘yung capabilities ko sa action sa Probinsyano so we wanted to showcase everything here sa The Iron Heart.

“We wanted more hand-to-hand combat, more modern approach in terms of cinematography and, you know, I have the best team behind me, headed by Direk Lester (Pimentel-Ong), action director and his group Three Sixty and we really wanted to show something different in terms of action.

“And ‘yun nga, matagal na akong hindi napapanood na gumawa ng action na ganito and we wanted to showcase that again sa ating audience,” mahabang paliwanag ni Chard.

Maging ang storyline ay ilang beses nagkaroon ng revisions dahil gusto nilang mapaganda pang lalo.

“Medyo madugo rin ‘yung naging proseso ng pagbuo ng kwento,” sey ni Chard.

Sa nasabing serye ay may special partictipation si Maja Salvador bilang isa sa leading ladies ni Richard and he’s very thankful na tinanggap ng aktres ang project.

Noon pa raw ay may plano nang pagsamahin sila sa isang show pero lagi itong hindi natuloy.

“Finally, ‘eto, natuloy kami sa The Iron Heart at talagang eksakto ‘yung timing ng pagpasok ni Maja as Cassandra dito sa Iron Heart and we couldn’t be happier to have her on board and we’re very thankful again kay Maja na tinanggap niya na maging part siya,” saad ni Chard.

Mapapanood na ang The Iron Heart sa November 14 sa Primetime Bida ng ABS-CBN TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Jeepney TV, iWantTFC, TFC (The Filipino Channel), ABS-CBN Entertainment YouTube channel at iba pang platforms ng Kapamilya Network.

AUTHOR PROFILE