Posas

Indian huli sa lascivious conduct

February 4, 2024 Jojo C. Magsombol 116 views

KAMPO MAJOR HENERAL LICERIO I. GERONIO–Isang Indian ang nasakote ng mga otoridad kamakailan sa Brgy. Bagumbayan, Pililla, Rizal dahil sa lascivious conduct, ayon kay Provincial police chief Public Information Officer Police Captain Mariesole Tactaquin.

Kinilala sa alyas Ayjay, may asawa, 28, at naninirahan sa Plaza Aldea, Tanay, Rizal ang suspek.

Siya ay naaresto dakong alas-8:30 ng umaga sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ma. Lourdes Santos Mendoza ng Regional Trial Court, Branch 166, ng Siniloan, Laguna sa kasong Lascivious Conduct (3 counts) at walang piyansang nakalaan para dito.

Nahuli ang suspek makaraang magsagawa ng operasyon ang mga pulis laban sa mga may kaso sa lugar.

AUTHOR PROFILE