Default Thumbnail

Inakusahang dumekwat ng cellphone nanaksak

June 22, 2022 Jonjon Reyes 201 views

HABANG nasa isang inuman, pinagbitangan ng isang 55-anyos na lalaki ang isang kasama na umano’y nagnakaw ng kanyang cellphone na nauwi sa mainitang pagtatalo at pananasak Martes ng gabi sa Pier 18, Vitas, Tondo, Maynila.

Inoobserbahan sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang dalawang kapwa stay in sa Pier 18, Bgy.101, Vitas, Tondo dahil sa mga tinamong sugat.

Base sa ulat ng Smokey Police Community Precinct sakop ng Station 1, bandang 9:45 ng gabi ng Martes nang maganap ang insidente sa loob ng isang barracks sa nasabing lugar.

Nagkayayaan umano mag-inuman ang dalawang biktima na parehong construction worker at dito sila nakita ng suspek at inakusahan ang isa na siyang nagnakaw ng kanyang cellphone.

Habang nagtatalo ay bigla na lang nanaksak ang suspek at umawat ang isang biktima ngunit pati ito ay pinagbalingan ng saksak.

Nagtulong-tulong naman ang iba nilang kasamahan na maisugod sa ospital ang dalawang biktima.

Sa follow-up operation na isinagawa ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Gene Licud, station commander ng Manila Police District (MPD) Station 1, katuwang ang ilang barangay tanod natimbog ang itinuturong na 55-anyos na suspek na construction worker at residente ng Napico, Pasig City.

Mahaharap sa kasong 2 counts ng frustrated homicide ang nahuling suspek.

AUTHOR PROFILE