Default Thumbnail

Ina lumabas, baby nahulog sa dagat, patay

November 12, 2023 Jonjon Reyes 193 views

HINDI nailigtas ng mga doktor sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang isang 2 taong gulang na batang lalaki na nahulog sa dagat sa Manila North Harbor, Brgy. 20, Isla Puting Bato Tondo, Maynila noong Sabado.

Nakilala ang biktima na si Prince Daryl ng nasabing lugar

Base sa ulat ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-9:00 ng umaga nang makitang lulutang-lutang ang paslit sa ilalim ng kanilang barung- barong sa nabangit na lugar.

Ipinalalagay ng mga pulis na nahulog ang bata nang lumabas ng bahay ang ina para magbalat ng mga bawang.

Nawala sa kanyang paningin ang kanyang anak at dali-dali nitong pinuntahan ang anak sa loob ng kanilang bahay at nakita na lamang na nakalutang sa tubig.

Dakong alas-9:52 ng umaga nang ideklarang patay ni Dr. Evangelina Velasco ang bata.

Napag alaman na maaring kasuhan ang mga magulang ng paslit dahil sa kapabayaan.

AUTHOR PROFILE