Bugaw Source: FB post

Ina binugaw ang anak sa internet

April 17, 2024 Jonjon Reyes 79 views

NATIMBOG ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang entrapment operation ang isang ginang matapos magawang ibugaw ang kanyang sariling anak sa isang online sexual show, iniulat ng NBI.

Ayon sa NBI-Human Trafficking Division (NBI-HTRAD), nahaharap sa patong-patong na kaso ang naarestong ginang, kabilang ang paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act, Cybercrime Act at Child Abuse Law at rape by sexual assault.

Nag-ugat ang operasyon sa referral mula sa Department of Justice-Office of Cybercrime laban sa isang indibiduwal na iniaalok ang menor de edad na anak sa online sexual show.

Agad na nagsagawa ng entrapment at rescue operation ang NBI-HTRAD at NBI-Northeastern Mindanao Regional Office kasama ang NBI-Digital Forensics Laboratory sa San Luis, Gingoog City sa Misamis Oriental na nagresulta sa pag-aresto sa suspek.

Naging mapayapa ang isinagawang operasyon na nagresulta sa pagsagip sa tatlong menor de edad na agad namang itinurn over sa Department of Social Welfare and Development.

AUTHOR PROFILE